Paolo ayaw nang ilantad ang private life: Hindi na part ng trabaho ko
NAGPALIWANAG ang Kapuso actor na si Paolo Contis kung bakit mas ginusto niyang manahimik muna tungkol sa chikang naghiwalay na sila ni Yen Santos.
“No comment” lang kasi ang isinagot ni Paolo nang tanungin siya sa isang event ng ilang press people kung totoong nag-break na sila ng kanyang girlfriend.
Baka Bet Mo: Boy ‘no comment’ muna sa Bea-Dominic breakup: I’m choosing to shut up
Ito’y matapos ngang i-unfollow ni Yen si Paolo at ang lahat ng nasa Instragram list niya bukod pa sa tinanggal din ng aktres ang lahat ng litrato nila ni Paolo together.
View this post on Instagram
“As I always say, masyado na kayong may alam sa buhay ko so I’d like to keep my personal life personal,” ang pag-iwas ng Kapuso star sa isyu.
Sa guesting ng controversial actor sa “Fast Talk with Boy Abunda” kahapon, May 15, in-explain niya ang kanyang “no comment” answer sa mga nagtanong tungkol sa tunay na estado ng relasyon nila ni Yen.
“I think dumating na kasi tayo sa point na feeling ko, people think na we owe it to everyone to share what’s happening to you and I don’t believe it’s part of my acting craft anymore,” sabi ni Paolo.
Baka Bet Mo: Hiling ni Karen Bordador: Marami pang mapalaya sa mga kulungan na walang kasalanan
Sey pa ng Kapuso star, feeling daw niya habang nagbibigay siya ng mga detalye about his personal life ay lalo itong pakikialaman ng publiko.
View this post on Instagram
“I think it’s time na ‘yung mga pribadong bagay, mga walang kinalaman sa pag-arte mo o sa craft mo bilang artista, itira mo na ‘yun para sa sarili mo,” pahayag ni Pao.
“I mean, I’m an actor, ang pinaka-responsibilidad ko is to my co-actors, to GMA, to my bosses, na maging matino akong katrabaho, na maging matino ang trabaho ko.
“Anything na labas du’n, like my family, or anything na hindi na kasama sa pag-arte ko, I think that’s private,” dugtong pa ni Paolo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.