Dawn Zulueta naglabas ng ‘resibo’ na hindi totoong naghiwalay na sila ni Anton Lagdameo
BALIK-PILIPINAS na si Dawn Zulueta at magkasama sila ngayon ng asawang si Special Assistant to the President (SAP) Anton Lagdameo.
Tila may dinaluhang art exhibit ang mag-asawa kasama ang ilang kaibigan at nagpakuha ng litrato ang dalawa sa kanilang portrait bilang background, base sa social media post ng aktres.
Ang caption ni Dawn sa kanyang Instagram post, “So happy to be back home with my husband, our family, and dear friends! (emojis clapping hands) to @joannapreyslermanila & @raulsfrancisco for another successful art exhibit of @markrochapadernal ‘s beautiful portraits entitled UNGUARDED
@aflagdameo & I love how Mark wonderfully captured the blissful expression of our faces — our first portrait together that Joanna entitled HOME AT LAST, perfectly marking our more than 25 years of marriage.
View this post on Instagram
“Thank you, Jo, for making this happen! You were brilliantly with it every step of the way. I’m so glad I listened to you #Unguarded #HomeAtLast #MarkRochaPadernal #provenanceartgallery.”
Naka-off ang comments section ng Instagram account ni Dawn na ibig sabihin ay ayaw niyang makabasa ng kung anu-ano tungkol sa post niyang kasama ang hubby.
Baka Bet Mo: Personal assistant ni female star baka lumayas na; na-bad trip sa epal na dyowa ng kanyang amo
Matatandaang kumalat na hiwalay na sina SAP Anton at Dawn dahil may ibang babae umano ang una at dahil dito ay lumipad patungong Amerika ang aktres para raw magmuni-muni.
Ngunit base naman sa mga nakita naming video posts ay mukhang wala namang katotohanan ang tsismis, patunay diyan ang kanilang mga litrato kasama ang mga kaibigan at kaanak.
View this post on Instagram
May nabasa rin kaming dumalo si Dawn sa event ng anak niyang babae at dahil busy si SAP Anton kaya naiwan siya at hindi nakasunod sa asawa’t anak.
Isa pang nabigyan ng kulay ay dahil hindi present si Dawn sa nakaraang SONA ni Presidente Bongbong Marcos, Jr. na alam niyang mahalagang okasyon ito bilang special assistant kay PBBM ang asawa.
Anyway, ano naman kaya ang masasabi ng mga Marites sa pagbabalik ni Dawn sa piling ni Anton.
Pooh, Anton Diva 20 years nang mag-BFF; gamit na gamit sina Ogie at Regine
Dawn Zulueta nagpahayag ng pagsuporta sa tambalang Marcos-Duterte
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.