Dawn Zulueta biktima rin ng mga sindikato sa socmed, nagbabala sa publiko na huwag basta-basta magpaloko | Bandera

Dawn Zulueta biktima rin ng mga sindikato sa socmed, nagbabala sa publiko na huwag basta-basta magpaloko

Ervin Santiago - August 08, 2023 - 07:18 AM

Dawn Zulueta biktima rin ng mga sindikato sa socmed, nagbabala sa publiko na huwag basta-basta magpaloko

Dawn Zulueta

NAGBABALA ang award-winning actress na si Dawn Zulueta sa madlang pipol at sa lahat ng kanyang social media followers sa mga naglipanang sindikato online.

Napag-alaman kamakailan ng aktres na marami na palang mga poser ang gumagamit sa pangalan at mga litrato niya para makapanloko ng tao sa socmed.

Sa pamamagitan ng kanyang official Instagram account, binigyan ng warning ni Dawn ang publiko tungkol sa mga pekeng Facebook at Instagram accounts kung saan nakabalandra ang mukha niya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Ni-repost niya ang ilan sa mga nasabing socmed account na naglalaman ng mga fake ads na wala siyang kinalaman pero gamit ang mga litrato na naka-post sa kanyang official IG page.

Sey ni Dawn sa caption, “Reminder: Please be aware that there have been instances of fake accounts using my name and photo to sell products.

“These accounts are not affiliated with me and any transactions made with them may not be legitimate.

“Always verify the authenticity of any account before making a purchase.
Thank you,” paalala pa niya sa publiko.

Marami naman ang nagsabi na ire-report nila ang mga pekeng accounts para tuluyan na itong ma-take down. Narito ang ilan sa mga nabasa naming komento mula sa netizens.

“Marami na po talagang gumagawa ng ganyan mga fake acc. Tapos kung may mag issue hinde sila ang masisisisi kundi yung naka pangalan sa account…….hayysss. Lahat talaga ng tao iba-iba ang pananaw katulad ko walang ibang tinatanaw kundi ikaw. Idol.”

Baka Bet Mo: Ronnie Liang biktima ng poser sa socmed, binalaan ang publiko sa mga nanghihingi ng pera: ‘Haist! Grabe! It’s so alarming!’

“Meron din XuyenTamlien chinese herb ad, when I saw the pictures I thought it was edited.”

“Matagal kong pinangarap na makita kita personal at mak picture man lang..bata pa ako nun idol n kita sobra…please.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Dawn Zulueta (@dawnzulueta)


“Thank you po Ms.Dawn for the info.mabuti nlng at ndi po aq nkpag order.”

“May na follow nga po ako sa Tiktok kala ko po si Ayisha ang gumagamit, buti na lang nag-day po kayo mdz na fake account nga yun inunfollow ko agad then ni-report ko rin.”

“Mama @dawnzulueta permission to repost Po sa fb and especially sa TikTok Po natin 🙂 mas madami pong viewers duon …Salamat Po Mama Dawn sa pagpost nito will share this to others po.”

“Haist, sino man kayo mahilig gumawa ng mga fake products ni @dawnzulueta Ay tigilan nyo na madami nakaalam na fake kayo.”

“Grabi nmn pong account napakadmi,san kaya nila pinagkukuha ang iniidorse nila sayo mama @dawnzulueta ,haha nakakatawa talaga sila, pero alam namin un mama dawn fake mga un.”

“Ay may nag message saakin… hoooo asking for my address! Ohh nooo buti di ko nireplyan, kase diba u dont have a fb.”

Dawn Zulueta nagpahayag ng pagsuporta sa tambalang Marcos-Duterte

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Barbie, Jak nabiktima rin ng sindikato sa FB: To whoever made this, you’re welcome!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending