Chelsea nagbabala sa fake account: ‘I don’t currently have an X’
PAALALA mga ka-BANDERA na huwag basta basta maniniwala sa social media accounts, lalo na kung hindi “verified.”
Kagaya sa ating pambato at first-ever Miss Universe Asia na si Chelsea Manalo na ginamit ang kanyang pangalan sa isang X (dating Twitter) page.
Buti nalang at nalaman agad ito ni Chelsea kaya nagbigay agad siya ng babala sa kanyang fans at supporters.
Ayon sa Bulakenya beauty queen, wala siyang X account.
“Hello, everyone! I don’t currently have an X account. This isn’t my official profile,” sey niya sa Instagram Broadcast Channel na ibinabandera ang isang screenshot ng fake account at fake post nito.
Baka Bet Mo: Chelsea Manalo itinanghal na Miss Universe Asia: ‘We are making history!’
Wika pa niya, “Maraming salamat sa suporta, Pilipinas!”
Makikita sa nasabing screenshot ang naging mensahe umano ni Chelsea matapos ang Miss Universe 2024 pageant.
Ang nakalagay: “I did my best, but my best wasn’t good enough. Sorry Philippines. But, thank you all for all the love and support. I wouldn’t be here without any of you. Everything happens for a reason. Our time will come, maybe next year…[emojis].”
Pero ayun, peke pala ‘yan at hindi mismo kay Chelsea nanggaling.
Nang hinanap namin ang fake account sa X, kasalukuyan na itong deactivated at hindi na namin makita ang mga naging posts nito.
Siguro dahil nabuking na peke ito kaya agad na ring tinanggal.
Anyway, bumubuhos pa rin ang mga pagbati para kay Chelsea dahil may iuuwi pa rin siyang titulo para sa Pilipinas bilang kauna-unahang Miss Universe Asia.
Isa sa magiging duties niya ay bisitahin ang buong Asya kung saan magkakaroon ng official trips ang Miss Universe Organization.
Ang nasabing titulo ay inanunsyo during the post-pageant press conference na ginanap sa Mexico.
Bukod kay Chelsea ang ilan pang “continental queens” ay sina Miss Peru bilang Miss Universe Americas, Miss Nigeria na hinirang na Miss Universe Africa and Oceania at si Miss Finland na nakakuha ng titulong Miss Universe Europe and Middle East.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.