Ronnie Liang biktima ng poser sa socmed, binalaan ang publiko sa mga nanghihingi ng pera: ‘Haist! Grabe! It’s so alarming!’
HINDI rin nakaligtas ang singer-actor na si Ronnie Liang sa mga naglipanang sindikato at manloloko sa social media.
Binigyan ng warning ni Ronnie ang madlang pipol sa mga fake accounts at posers na gumagamit sa kanyang pangalan para manghingi ng pera sa mga netizens.
Sa kanyang Instagram account kamakalawa, January 28, ibinahagi ni Ronnie ang mga screenshots kung saan makikita ang mga mensahe ng mga fans tungkol sa paggamit sa pangalan, pictures at videos ng binata sa social media.
Ang modus ng sindikato, humihingi raw ng pera ang mga scammer kapalit ng kanyang pakikipagkita. At hindi lang daw mga Pinoy ang nabibiktima nila kundi maging mga taga-ibang bansa, kabilang na ang isang taga-Norway.
Nalaman ni Ronnie na ginagamit din ng mga scammer ang pagiging miyembro niya ng military para mang-akit ng mga girls.
View this post on Instagram
“IT IS SO ALARMING! There are many impostors doing romance and catfish scams using my identity,” simulang pahayag ni Ronnie sa kanyang Instagram account.
Patuloy pa niya, “It’s happening not only in the Philippines but also in Europe.
“One fake account pretended to be a US Army and even created a fake Military I.D. using my photo.
“Another bogus profile friended people on social media and asked for meet-ups, another asked for money, and another flirted shamelessly using my pictures and videos.
“They deceived women who thought we were in a relationship for financial gain,” pahayag pa ng singer.
“I had heard it before but shrugged it off, thinking it wasn’t serious. Pero sobrang dami na pala.
“People sent me proof that they gave money to these scammers and asked me if I had received them (Sa mga nag send, paki send po ulit kasi di ko na mahanap sa dami ng messages),” aniya pa.
Nanawagan din si Ronnie sa mga otoridad na sana’y maaksiyunan agad nangyari sa kanya para hindi na makapangbiktima uli ang mga suspek.
“Haist, Grabe! I hope the PNP Anti-Cybercrime Unit can do something about this.
“Punta po ako dyan one of these days. Hindi ko alam na ang dami ko na palang karelasyon sa iba’t ibang bansa (sanatrue haha),” paalala ng aktor.
Matatandaan noong January 26, ibinuking din ni Ronnie na meron siyang poser sa IG na may handle name na “ronnieliang22”. Talagang ginamit pa nito ang mga litrato mula sa verified account ng singer-actor.
Warning ni Ronnie sa madlang pipol, “Beware this #ronnieliang22 is not my ig account! This is an IMPOSTOR & Fake account!”
“Please be informed that it is an IMPOSTOR and FAKE account.
“I only have one official Instagram account, so if you ever receive private messages from this ronnieliang22 account, please ignore, block, or report them,” paalala pa ni Ronnie Liang.
#IkawNa: Ronnie Liang Army reservist at commercial pilot na, may Master’s degree pa
Barbie, Jak nabiktima rin ng sindikato sa FB: To whoever made this, you’re welcome!
Cristy Fermin binalaan si Ronnie Liang: Mag-ingat ka sa pananalita mo
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.