Personal assistant ni female star baka lumayas na; na-bad trip sa epal na dyowa ng kanyang amo | Bandera

Personal assistant ni female star baka lumayas na; na-bad trip sa epal na dyowa ng kanyang amo

Reggee Bonoan |September 27,2022
facebook
share this

Personal assistant ni female star baka lumayas na; na-bad trip sa epal na dyowa ng kanyang amo

Reggee Bonoan - September 27, 2022 - 03:25 PM

Guess, guess who!? Sinetch itetch? Hula na!

HINDI na kami magtataka kung lalayas na ang personal assistant ng isang kilalang aktres dahil sa malaking pagbabago sa ugali nito.

Kung ilang taon na sa showbiz industry ang kilalang aktres ay gayun na rin katagal ang personal assistant niya na walang sawang naglilingkod sa kanya.

Sobrang mahal kasi ng personal assistant ang kilalang aktres at hindi na lang tungkol sa suweldo ang iniisip niya dahil itinuring na rin niya itong pamilya at gayun din naman ang nasabing personalidad.

Kaya lang, nagtataka na itong si personal assistant kung bakit biglang nagbago ang ugali ng kilalang aktres na naging masungit, laging galit at naninigaw pa.

Hindi naman daw ganu’n ang ugali ng aktres.

“Dati laging inaalala kami ni ____ (manong driver) kung kumain na kami at laging magalang, biglang nagbago na, ilang taon na siyang ganyan. Tinitiis ko pero hindi ko alam hanggang kailan,” kuwento ng PA ng naturang aktres.

Sabay pahaging, “Nahawa na doon kay _____ (boyfriend ng kilalang aktres). Dati kasi hindi naman siya ganyan.

“Tapos pinagsasabihan siya ni ____ (boyfriend) na huwag masyadong mapagbigay kasi darating ang araw iiwan din daw siya, ‘wag daw generous. Kasi si _____ (kilalang aktres) generous talaga sa lahat, e, ngayon hindi na,” himutok ng personal assistant.

Mahigpit daw sa pera ang boyfriend ng kilalang aktres at tinuturuan niya ito dahil tulad nu’ng pandemya ay wala naman ibang tutulong sa kanila, good thing na may trabaho pa rin ang dalaga.

“Pati nga gasoline turo ni ____ (boyfriend) ipa-reimburse raw ni ____ (kilalang aktres) sa production kasi ginamit niya papunta sa work.  Pero parang hindi naman ginawa pa ni _____(aktres),” tsika pa ng personal assistant.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Magdyowa palang ang dalawa ay nakikialam na si boyfriend sa mga desisyon at finances ng kilalang aktres kaya paano pa kaya kung mag-asawa na sila?

Claudine Barretto puring-puri nang pumayat, dinipensahan ang assistant sa mga bashers

B-day message ni Moi Bien kay Piolo: Habang tumatanda lalong sumasarap! Naku, lagot baka tayo talaga…

Sharon inaming magkaiba ang ugali nila ni KC: Pero mabait siyang anak

Netizens mas bilib kay KC kesa kay Frankie: Hindi kasi siya yung tipong super dakdak at sugod nang sugod

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending