Andrea del Rosario aminadong pa-‘diva’ rin: ‘We’re human beings!’

Andrea del Rosario aminadong pa-‘diva’ rin: ‘We’re human beings!’

Pauline del Rosario - May 16, 2024 - 04:50 PM

Andrea del Rosario aminadong pa-‘diva’ rin: ‘We’re human beings!’

PHOTO: Instagram/@andreadelrosario_official

MARAMI tayong nababalitaan na mga baguhang artista na pa-diva or ‘yung mga may attitude na kadalasan ay nirereklamo rin ng ilang batikang artista.

Pero para sa dating sexy actress na si Andrea del Rosario, tila normal lang ito sa maraming celebrities.

Sa interview with “Updated with Nelson Canlas,” inamin ni Andrea na minsan ay may pagka-diva rin sa set.

Ang kanyang rason, hindi niya maiwasang madala minsan ang kanyang mga personal na problema sa kanyang trabaho.

“Dati may mga pa-diva na, ngayon, meron ding mga pa-diva,” hirit ni Nelson sa bahagi ng kanyang panayam.

Baka Bet Mo: Heart tinawag na ‘toxic’ ng mga dating katrabaho: Masama yata akong tao?

Nag-agree naman diyan ang aktres at sinabing: “Hindi naman mawawala ‘yun.”

Tanong pa sa kanya ng entertainment reporter, “Ano ang mas worst, dati o ngayon?”

Ang sagot sa kanya ng celebrity mom, “Mga tao naman tayo, ‘diba. Tsaka at the end of the day, we’re dealing [with] egos, we’re dealing with so many things, even with family problems. I, myself, had moments like that.”

“Unfortunately, I won’t be able to leave a problem, a personal problem behind. I brought it to the set and people think, ‘Oh, bakit nagsusungit ‘to?’ But you know, hindi nila alam, you have a family slash financial slash relationship problems all at the same time. So hindi na nakikita ang tao ‘yun,” paliwanag ni Andrea.

Dagdag niya, “Of course, part of the job description is to always be happy and smiling for people. They don’t understand we’re human beings that goes through also a lot…and iba pa ‘yun, you have to be in character.”

Tila inihayag din ng batikang aktres na nauunawaan niya ang mga newbie na artista dahil mahirap ding harapin ang mga sarili nilang “ego.”

“Halimbawa, may 17 years old na bagong salta, [then] all of a sudden she’s a superstar. You know, it’s kind of hard to deal with sudden stardom as well,” kwento niya.

Tugon pa ni Andrea, “Can you imagine? Wala namang manual ‘yan tsaka wala naman tayong psychiatrist to [help us] deal with [it.].”

Sumingit din diyan si Nelson at ikinumpara ang kahalagahan ng mental health pagdating dito sa ating bansa at sa Amerika kung saan normal lang ang magpa-consulta sa psychiatrist.

Chika ng reporter, “Sa US, they can openly consult a psychiatrist [kasi] tayong mga Pilipino, wala sa culture natin ‘yung psychiatrist eh. Kasi pag nag-psychiatrist ka, parang, ‘Ano ka, baliw?’”

Iginiit ni Nelson na kailangan itigil na ang ganitong klase ng stigma na kung saan pinag-iisipan nang baliw ang isang tao kapag nagpunta sa psychiatrist.

“For me, hindi siya tama,” wika niya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sumang-ayon ulit sa kanya si Andrea at ayon sa kanya, “You have to take care of your brain, too. And here, siguro parang it’s somehow taboo if you talk to someone about your [problems].”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending