Sunshine binatikos; baliw na baliw pa rin kay Cesar | Bandera

Sunshine binatikos; baliw na baliw pa rin kay Cesar

Jobert Sucaldito |February 15,2015
facebook
share this

Sunshine binatikos; baliw na baliw pa rin kay Cesar

Jobert Sucaldito - February 15, 2015 - 02:00 AM

casar montano
I READ in Nanay Cristy’s column in another newspaper that item on the latest na kasong isinampa diumano ni Sunshine Cruz against her former husband Cesar Montano the other day and I found it soooo off.

Biglang naawa ako kay Buboy (palayaw ni Cesar M.) at hindi ko talaga ma-imagine na kayang gawin nitong magparaos diumano sa harap ng kanyang tatlong anak na babae.

How distasteful! Honestly, no offense meant kay Shine, hindi ako naniniwalang kayang gawin ni Buboy ang bagay na iyon – not even in my worst imagination. It truly maligned Buboy to the highest level.

“Gawain ng isang manyak na iyon. ‘Yung literal na sira-ulo lang ang puwedeng gumawa noon. Kaya hindi talaga kami naniniwalang magagawa ni Cesar Montano ang ganu’n – isa itong malaking paninira sa kaniyang pagkatao.

Ang masakit at pinakamasaklap pa sa isyung ito, mismong ex-wife pa niya ang nagsambulat ng isyu. How sad – realllllllyyyyyy sad. “Sana nag-isip muna si Sunshine ng milyong beses bago siya tumalon sa desisyong ilabas ang balitang ito.

Kahit sabihin pa nating sa  korte lang niya isinampa ang kaso — lalabas at lalabas pa rin ito sa public. Anong mukhang ihaharap ngayon ni Cesar sa publiko? Sige nga?

“Hindi ba naisip ni Sunshine na malaki ang magiging epekto nito sa kanilang mga anak? Grabe ang alegasyon niyang ito laban kay Cesar. Hindi kaya obsessed lang si Sunshine kay Cesar kaya kung anu-anong kathang-isip na lang ang pumapasok sa kaniyang isipan?

“Wala bang nag-a-advise sa kaniya of what to say or what to do? Kawawa naman si Cesar at ang mga bata. That’s very malicious,” anang isang kaibigan naming apektado rin sa balita.

Sa totoo lang, halos maiyak ako nang mabasa ko ang balitang ito. I haven’t read of something like this — parang sa komiks lang na bastos. Paano kaya hina-handle ni Cesar ang isyung ito? Sobrang naawa kami sa kaniya.

“Granting for the sake of argument na totoo ito (gosh! hindi ito totoo for sure!), hindi pa rin dapat ginawa ni Sunshine ito. Ganoon na ba talaga ang galit niya sa ex-husband niya? Gusto na niya itong sirain nang tuluyan? Kulang na lang ay sinaksak niya ito ng limang-daang beses sa dibdib.

Pinatay. Double dead. Grabe na ito. “Hindi ko kayang isiping may ganoong eksenang nangyari sa pamilya nila. Isa itong malaking bangungot sa parte ni Cesar.

Kawawa naman siya. Alam niyo, something must be wrong with Sunshine for saying this. Iyon ang basa ko rito — she is really obsessed siguro kay Cesar,” anang isang writer-friend na kasama namin the other night papuntang Solaire.

Sana ay mabura ito sa isipan ng mga tao. Sana hindi nangyari ito. Walang matinong tao na gagawa nito sa harap ng kaniyang mga anak. Ni inkling on this ay wala sa hinagap natin before — kaya laking gulat talaga namin nang merong lumabas na isyung ganito.

God bless you both Sunshine and Buboy — God bless Sunshine na maging softer and move on decently and God bless Buboy to be able to carry on. Ang sakit nito. Kaibigan ko si Buboy, so with Sunshine, pero mas close ako kay Buboy kaya awang-awa ako sa kaniya. Kahit hindi ko alam ang istoryang ito ng buhay nila, I feel for Buboy.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sa kanya ako panig dito. Alam ko kasing hindi niya kayang gawin ito. Kahit ang pinakamanyak sa lahat ng manyak sa buong mundo basta nasa right frame of thinking will never do that in front of his children. God forbid!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending