Chito Miranda, Neri Naig 2 beses ikinasal: May Civil Wedding na may Garden Wedding pa Bandera

Chito Miranda, Neri Naig 2 beses ikinasal: May Civil Wedding na may Garden Wedding pa

Ervin Santiago |December 15,2014
share this

Chito Miranda, Neri Naig 2 beses ikinasal: May Civil Wedding na may Garden Wedding pa

Ervin Santiago December 15,2014 - 03:00 AM

chito miranda

PAEPEK pa ang bagong kasal na sina Chito Miranda at Neri Naig! Marami ang nagtatanong kung bakit kailangan pa nilang magpakasal nang dalawang beses.

Nu’ng Dec. 13 ginanap ang civil rights ng dalawa at kahapon nga ginanap ang kanilang garden wedding. Tanong ng ilang pakialamerang bashers, bakit daw kailangang may civil at may garden wedding pa – the height of pagpapapansin daw.

Ang alam kasi ng madlang pipol ay garden wedding lang ang magaganap pero ginulat nga ng bokalista ng Parokya Ni Edgar ang kanilang supporters dahil nga naglabasan sa social media ang mga litrato na kuha sa kanilang civil wedding.

All along kasi ang alam nila ay ang garden wedding lang ang magaganap pero may civil wedding pa pala. Chika ng isang tsismosa, “Papampam lang yang dalawang yan.

Mga laos na kasi kaya kumukuha ng atensiyon. Kailangan talaga dalawang beses? Buti sana kung nauna silang magpakasal sa ibang bansa, tapos uulitin nila uli dito sa Pilipinas. E, hindi, e, magkasunod pang araw pa talaga ganapin! Haler!”

Sey naman ng isa pa, “Halatang-halata namang gusto lang magpa-impress ng dalawang yan! Hindi ko kasi maintindihan ang logic ng may civil wedding tapos may garden wedding pa.

Okey lang sana kung noon pa sila nagpa-civil, pero magkasunod na araw? Ano yun? Kaloka!” Ha-hahaha! Affected? Ano naman ang pakialam natin kung gusto nilang magpakasal sa civil at garden? Hindi naman sila nangutang sa inyo, hindi rin naman nila kayo inabala!

Kung matatandaan, nag-propose si Chito kay Neri noong nakaraang Mayo sa isang private resort. Kinuntsaba ng singer ang kanyang mga kaibigan para mapapayag si Neri na gumawa ng isang fake music video.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending