Empoy marunong tumanaw ng utang na loob kaya sinuswerte | Bandera

Empoy marunong tumanaw ng utang na loob kaya sinuswerte

Cristy Fermin - December 03, 2014 - 03:00 AM

empoy
Naging guest namin si Empoy Marquez sa radyo para sa kanilang Wattpad Presents: His Secretary nina John James Uy at Bianca King.

Nu’n pa namin sinasabi na kakaiba ang pagkokomedya ng musikero ring si Empoy, hindi na niya kailangan pang lukut-lukutin pa ang kanyang mukha para lang siya makapagkomedya, ang natural lang niyang itsura ay sapat na para maghasik ng katatawanan sa manonood.

Wala lang, effortless siya, pero ang kanaturalang ‘yun ang gustung-gusto sa kanya ng publiko. Sa mga sitcom ng TV5 ay hindi puwedeng wala si Empoy, malakas kasi ang kanyang hatak sa manonood, sa ngayon ay siya ang nagpapahalakhak sa mga televiewers sa Tropa Mo Ko, Nice Di Ba?.

Tubong-Baliwag, Bulacan ang magaling na komedyante, nu’ng hindi pa maganda ang kanyang kinikita ay madalas siyang makitang nagbu-bus lang mula sa Bulacan papunta sa TV5, pero ngayon ay meron na siyang nabiling sasakyan at nakakuha na rin siya ng tirahan sa Maynila.

“Pero palagi pa rin po akong umuuwi, iba po kasi ang probinsiya, nandu’n ang mga kamag-anak ko, lalo na ang pamilya ko, ang mga kababata ko,” sinserong sabi ni Empoy.

‘Yun ang maganda niyang katangian, kahit pa kilala na siya ngayon ay hindi niya nakakalimutan ang kanyang pinagmulan, matanaw ng utang na loob ang komedyanteng ito.

“At masarap siyang katrabaho, wala siyang kaartehan, cool na cool siya palagi at trabaho lang nang trabaho,” komento ng aming anak-anakang si Dan Salamante.

Kaya naman hindi siya nawawalan ng trabaho, kaya naman maraming nagtitiwala sa kanya, kaya naman siya na si Empoy Marquez ngayon!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending