Michael Pangilinan itinuloy ang b-day concert kahit nagluluksa
ALMOST full house ang Music Museum sa 19th birthday concert ng Bagong Kilabot Ng Mga Kolehiyala na si Michael Pangilinan last Wednesday evening. Maaga pa lang ay mahaba na ang pila sa venue. At nagkakaisa ang lahat sa pagsasabing one notch higher ang first major concert ni Michael kumpara sa mga nakaraang show niya.
“Sarap palang mag-perform sa harap ng maraming tao sa Music Museum. Iba ang feeling when people stay at yung nakikita mo na naa-appreciate nila yung performance mo. This is one show na hindi ko makakalimutan.
“At yung mga guests ko sa show, napakahuhusay. Talagang inalalayan nila ako till the end of the show. Maraming-maraming salamat sa inyong lahat – to everyone who took part in this concert, you made my 19th birthday show truly a fruitful one,” ang masayang bungad sa amin ng baby nating si Michael na kailangang tumakbo sa Pulilan, Bulacan right after ng show dahil libing ng pinakamamahal niyang lola yesterday.
“Naiyak ako nu’ng kantahin niya ang ‘Angel’. Dama ko ang sakit sa dibdib ni Michael and his repertoire – sobrang ganda. Sana gumawa siya ng album with all those old songs na kinanta niya. Yung medley niya, winner. Ibang level na talaga si Michael,” ani kaibigang writer na si Beth Gelena na minsan lang mapanood si Michael in a show.
“I’m so proud of Michael, performer na talaga. Bilib na bilib na ako sa kaniya sobra. Ibang level na siya sa stage. Kahit malalaki ang kasama niyang guests sa show, hindi siya natinag. Talagang sumabay siya. Bongga ang confidence niya na walang yabang sa stage,” sabi naman ng friend nating singer din na si Charity Diva Token Lizares.
“Ang laki ng improvement ni Michael. Pati yung pag-pronounce niya ng words sa mga songs niya, ang husay. Iba na ang confidence niya – hinog na talaga siya for concerts,” ani Col. Ricardo Nolasco, may-ari ng Hannah’s Beach resort sa Pagudpud, Ilocos Norte.
Everyone has nice words for Michael. Sa totoo lang, not all knew na merong mabigat na pinagdadaanan si Michael lalo na that night of the show. Kasi nga, di ba’t iyon ang mismong kaarawan niya pero ang utak niya ay nasa lola niyang namatay last Sunday at inilibing kahapon. Kaya sa last song niyang “Angel” (originally by Sarah McLachlan) ay inialay niya sa mahal niyang lola.
Nag-crack ng two seconds ang boses niya actually sabay ng pagtulo ng luha pero bumawi siya agad. Punumpuno ng puso ang song na iyon and right after that song, he ran out of the stage and ended the show. Marami kaming napaiyak sa number na iyon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.