Alwyn, Jennica kasal na sa Victory Church | Bandera

Alwyn, Jennica kasal na sa Victory Church

Cristy Fermin |October 17,2014
facebook
share this

Alwyn, Jennica kasal na sa Victory Church

Cristy Fermin - October 17, 2014 - 03:00 AM

JENNICA GARCIA AT ALWYN UYTINGCO

JENNICA GARCIA AT ALWYN UYTINGCO

Nagkaroon na nu’n ng mga bulung-bulungan na nagpakasal na sina Alwyn Uytingco at Jennica Garcia, pero walang kumpirmasyong nanggagaling sa kanila, puro hula-hula lang ang mga naglalabasan.

Pero galing na kina Alwyn at Jennica ang totoo na nu’ng nakaraang Pebrero nga ay nagpakasal na sila sa Victory Church, mag-asawa na sila ngayon, pagkatapos nilang maging magkarelasyon nang mahabang panahon.

Nagsiguro na sina Alwyn at Jennica, sa dami nga naman ng tukso sa mundo nila ay mas magandang mahawakan na nila ang isa’t isa, wala na silang kawala dahil napakasinsero naman ng kanilang pagmamahalan.

Isa si Alwyn Uytingco sa mga kabataang aktor na hinahangaan namin ang talento, hindi nakakulong lang sa drama ang kanyang kapasidad, sa komedya ay lutang na lutang din ang talento ng aming Beki Boxer.

Napakahusay niyang magbading-badingan, palagi namin siyang inaabangan sa Paminta 101 ng Tropa Mo ‘Ko Nice, Di Ba ng TV5, napakahusay na aktor ni Alwyn.

Silang mag-asawa ang tampok sa susunod na sultada ng Wattpad Presents ng TV5, kaabang-abang ang palabas na ito ng

Singko na sinisimulan tuwing Lunes nang gabi, tapos ang kuwento nang Biyernes nang gabi.

Parang kailan lang ay sanggol pa si Jennica, napakabilis talaga ng panahon, ngayon ay ito na ang magkakaroon ng sanggol sa takdang panahong pagdedesisyunan nila ni Alwyn.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending