One on One with Vice super-rampa, nagpa-fresh sa Europa!
HALOS isang buwan nawala sa bansa ang Unkabogable Star na si Vice Ganda. Nagpunta sa Europe si Vice para mag-show. From Europe dumiretso naman siya sa Canada para sa dalawang shows ng It’s Showtime kasama ang kapwa niya hosts sa programa.
Nagpaunlak naman ng interbyu sa amin si Vice right after ng live telecast ng It’s Showtime last Wednesday. At tulad ng dati, todo-todo ang pagsagot ni Vice sa mga isyung kinakaharap niya ngayon.
Narito ang kabuuan ng interbyu namin kay Vice:
BANDERA: Bukod sa concerts niya, ano pa ang mga pinagkaabalahan niya sa kanyang almost one month na pamamalagi sa Europe?
VICE GANDA: Super ano rin, pahinga. Super rampa, nagpa-fresh. Nagpa-fresh na very light.
Nagpunta ako ng Paris, punta ako ng Italy. Nagpunta ako ng Amsterdam.
B: First time ba niyang rumampa sa Europe?
VG: Oo, first time. Kasi bihira naman akong mag-Europe, e. Ang pinaka-Europe ko lang talaga London.
B: Tila may nabago sa mukha niya ngayon?
VG: Fresh lang ako, sarado ang pores.
B: Nagpa-enhance ba siya sa Europe?
VG: Hindi kasi iba ang klima, ang lamig, e. Sobrang malamig.
B: Pati lips niya, kumapal. Hindi kaya nagpadagdag siya ng labi?
VG: Ay, hindi. Hind naman ako nakapagpalabi.
B: True ba na nanood siya ng concert ni Beyonce sa Europe?
VG: Totoo ‘yan, hindi ko alam na may Beyonce. Nabasa ko lang sa Twitter. Sabi ng mga faney (fans), nandiyan din si Beyonce at si Nikki Minaj at tsaka si Jay-Z, sa Paris.
Tapos, the next day pa ‘yung show niya. So, nagpahanap ako, sabi ko, pakitingnan ninyo kung may ticket. Surprisingly, meron pa kaming nakuha at maganda ‘yung seats na nakuha namin. First row sa lower box, ha.
B: Magkano ang halaga ng tiket?
VG: Hindi masyadong mahal, kasi ang laki ng venue. Sobrang laki niya.
B: Isinama nga ba niyang manood sa concert ni Beyonce ang kanyang buong “gay entourage” sa Europe?
VG: Oo, isinama ko silang lahat. Kasi dapat ako lang, at tsaka ‘yung isang friend ko. Tapos ‘yung mga bakla, ‘Meme, Beke nemen, join mo na kami diyan, pa-Christmas mo na. Sabi ko, sige na nga, mga bakla kayo.
B: ‘Yun na ang Christmas gift niya sa kanyang mga “adopted bekis?”
VG: E, ‘yun namang mga ‘yun pagdating ng Christmas, hindi pa rin naman ‘yun. Ha-hahaha!
B: Ilan silang nanood ng concert ni Beyonce sa Paris?
VG: Parang almost 10. Oo, ten kami.
B: Magkano ang halaga ng tiket nila?
VG: Oo, a little more than P5,000 lang naman ang tiket. Mura, kasi nga ang laki-laki ng venue. Siguro parang nasa P8,000 lang ‘yung malapit nila. Sulit naman.
Malapit din kasi first row ng lower box. E, kasi nga ayoko rin naman sa, kasi ano ‘yun, e, ‘yung walang upuan? Sayawan sa malapit sa stage, siksikan. E, ‘pag late ka dumating sa dulung-dulo ka. Sulit naman at maganda ang show.
Oo, ang haba ng show. Full show. E, ‘di ba usually, kapag foreign acts kapag nagko-concert dito parang hindi naman buo ang show? May special performance din si Nikki Minaj.
Ang saya, sobrang saya. Sulit na sulit, ang haba ng show talaga. Ang title ng show is ‘On The Run.’ Ano kasi ‘yun, e, Beyonce and Jay-Z, silang mag-asawa.
B: Tapos na ‘yung show mo sa Europe nu’ng manood kayo ng concert ni Beyonce?
VG: Wala akong show ng Paris. Nagpunta lang ako doon para rumampa. Galing akong Zurich, doon ako nag-show. Tapos ‘yung isang show ko sa Dubai.
Meron kasi ako dapat show sa Rome pero na-cancel, dahil hindi nag-remit (producer). Oo, hindi nag-remit sa ABS. E, hindi ako pinayagan ng ABS.
B: Nalungkot ang mga naghihintay na fans niya sa Rome?
VG: Oo, kahit ako rin naman sobra akong nalungkot. Sabi ko nga, baka pwedeng i-go na. E, ang dahilan, baka raw mas dadami ang manloloko kapag ginawa ‘yun. ‘Yung parang mamimihasa ‘yung mga manloloko.
B: Kumusta naman ang show ng It’s Showtime hosts sa Canada?
VG: Sa Toronto at Edmonton ‘yun. Hindi na ako umuwi. Doon na kami nag-meet. Oh, God! Lalo na itong Edmonton, soldout. Malala, malala ‘yung crowd. ‘Yung konting kibot, hiyawan.
Lahat, nakakatuwa. Sabi ko nga sa mga kasama ko, nakakatuwa kasi lahat tayo applauded. Walang main star and second stringer. Walang ganoon.
Kasi lalo na ‘yung show, hindi mo marararamdaman na may main star. Ako pa nga ‘yung pinakakonti ang spot ‘number.
B: Nag-bonding din sila ng mga kapwa niya hosts sa Canada?
VG: Ang saya, playtime. Nagpunta kami Niagara Falls. Tapos, muntik na akong maiwan sa Toronto kasi late ako nagising. Ha-hahaha! Sa airport na lang kami nagkita-kita.
Bihira kasi kaming lumabas ng… ‘yung talagang magkakasama kaming lahat. ‘Yung gigimik kami, kakain kami sa labas. Kasi usually, it’s either kami ni Billy (Crawford) or kami ni Anne (Curtis).
Kami nina Vhong (Navarro), or kami nina Ryan (Bang). Hindi talaga ‘yung kumpleto lahat kami. Solid.
B: Bago sila mag-show sa Canada may anticipation ba sila na makakaapekto ang mga issue at controversies na iniwan nila sa Pilipinas?
VG: Actually, naglolokohan kami. Noong nandoon na kami sa Canada super applauded si Billy. Sabi ko, ‘Taray nito, o. Nakulong na’t lahat applauded pa rin, bongga!’
Oo, sabi ko ngang ganoon, kapag love ka kasi talaga ng tao kahit anong mangyari hindi ka bibitawan. Pero kapag hindi ka gusto ng tao kahit may ginagawa kang tama hindi nila makikita. ‘Yung mga taong nandoon, talagang supporters.
B: Masasabi ba niya na gusto siya talaga ng tao kaya kahit anong intriga ang ibato sa kanya ay patuloy pa ring mamayagpag ang kanyang career?
VG: Oo… hindi, ako talaga sobra akong swerte sa tao. Kasi ‘yung tao tinanggap na nila ako na akong-ako. Walang lokohan. Alang kublihan, walang pretensions.
Kasi simula pa lang ako hindi naman ako nagkubli. Wala naman akong inetchos. Wala naman akong imahe na prino-project na, wala akong ganoon.
B: Noong nabalitaan niya ang nangyari kay Billy sa Pilipinas, nasaan siya noon? Anong naramdaman niya?
VG: I was stressed. Maya’t maya nasa telepono ako. Nasaan na ba ako noon? Nasa Italy pa lang ata ako noon nu’ng nalaman ko ‘yun. Kinakausap ko sina Anne, si Vhong, si Direk (Bobet Vidanes) sa telepono. Hindi ako nakatulog hangga’t hindi ayos lahat.
B: Bakit hindi si Billy ang tinawagan niya?
VG: Hindi ko siya makausap, cannot be reached ang telepono niya. Tapos nu’ng tinext ko siya ng mahabang-mahaba pag labas niya, sinagot na niya. Pero hindi kami nakapag-usap, text lang. Sabi niya, usap na lang tayo kapag nagkita tayo.
B: Sa tingin niya kung nandito siya sa Pilipinas that time hindi mangyayari kay Billy ‘yun? Kasi sabi ni Billy wala siyang makausap na kaibigan, wala siyang makasama. Since isa siya sa pinakamalapit kay Billy sa showbiz, sa tingin niya maiibsan ang dinadala ng co-host niya kung nandito siya that time?
VG: Siguro pwede…pwede, may chance. Kasi lagi namang ganoon ‘yun, lagi niya ako’ng tinatawagan, Kapag stress na siya, pupuntahan na niya ako sa bahay. Kakaladkarin niya ako sa kwarto ko, sa bahay ko, ganoon. Siguro.
Kasi bago pa ‘yun laging kapag magkausap kami, ‘Uwi ka na. It’s not the same without you,’ ganyan-ganyan, ganyan. Siguro, meron ding chance. Pero hindi rin natin alam.
B: So, ngayon ba okey na sila na hosts ng Showtime?
VG: Sana, okey kami. Maganda nga ‘yan kasi nu’ng kaputukan ng mga eksenang ‘yon, umalis silang lahat. Pagkatapos, kasi nauna ako, e, sabi ko, ‘Diyos ko mabuti wala ako diyan.’ Pero kahit wala ka naman, apektadung-apektado ka pa rin.
B: Again, hindi personal na natanggap ni Vice ang kanyang awards, this time, sa Star Awards for Music. Wala rin siya noon sa Pilipinas nu’ng manalo siya sa Star Awards for Movies. Nanghinayang ba siya sa opportunity na mismong sa stage matanggap ang kanyang trophies?
VG: Oo nga. Hindi ko alam, e. Na-miss ko naman. Lagi kong nami-miss. Laging may eksena abroad. E, siyempre ako lalo na mga awards-awards, gusto kong uma-attend.
Bukod sa gusto kong tumanggap ng award, gusto kong uma-outfit, ‘di ba? Gusto kong lumalakad sa red carpet, lalo na kung bakla ka, ‘di ba? Dream mo ‘yun, e.
Dream mong magbibihis, mapipiktyuran. Arte-arte ka doon sa red carpet, po-pose-pose ka.
B: Meron pa ba siyang bashers and detractors?
VG: Hindi naman nawawala ang mga bwisit sa ‘yo or mga taong gusto kang pabagsakin, araw-araw ‘yan meron. Araw-araw may nag-aabang sa ‘yo at gagawan ka ng paraan para ma-nega ka.
Kaya sabi ko hindi na ako masyadong natatakot kasi kahit anong mangyari the Lord has been continuously blessing me in front of them na lalo silang naniinis, ‘di ba? Kaya nakakatuwa. ‘Yung kahit wala kang ginagawa naiinis mo sila.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.