MAY mga tao na binabagayan ng kanilang pangalan. Take for instance Angel Locsin. “Anghel na anghel” talaga ang aktres na ito mula sa ABS-CBN. Hindi lang for publicity’s sake ang ginagawang pagtulong
niya sa mga tao, second nature na niya ito. Imbes na magpabongga tuwing birthday, nandoon siya sa mga orphanages at homes for the elderly para pasayahin ang mga less fortunate fans niya. Remember
din yung pagpunta niya sa Mindanao upang alamin ang mga needs ng mga taong nasa evacuation centers?
Nakalimutan na ba natin yung pamimigay niya ng scholarship grants sa ilang fans niya kapalit ng bayad sa pag-endorse niya ng isang computer school? At meron na ba tayong nabalitaan na minaliit,
tinayaran, inangasan na tao si Angel kahit na superstar na ang status niya? Wala pa, hindi ba?
Consider these qualities of Angel and compare them sa ugali ng isang aktres na walang dudang sikat na sikat din na kapangalan ni Mama Mary. Ay, super ironic no? Kaya who do you think is a better
person? We’ll take Miss Locsin any day.
At present, hindi masyadong kagandahan ang mga isyung nababalitaan natin tungkol kay Angel. Marahil ay alam n’yo na rin ang nangyari sa relasyon nila ni Luis Manzano. Parehong ayaw magsalita nina Luis at Angel tungkol sa balitang naghiwalay na sila.
Pero sa isang interview kay Luis, sinabi niyang hindi niya masasabing hiwalay na sila ni Angel, may mga inaayos lang daw silang mga problema at umaasa siya na very soon ay maaayos din ang lahat.
Kaya one time ay we cornered Angel to clarify this thing. She still wouldn’t talk. Imbes sa buhay niya outside show biz napokus ang chikahan. Read on baka may mga hindi pa kayo alam tungkol sa kaya.
One thing is for sure, though, we will always be on the side of Angel. E kayo?
BANDERA (B): Saan mo inuubos ang free time mo kapag hindi ka busy sa iyong mga projects and other commitments?
ANGEL (A): Ako talaga, kapag walang work, tulog lang. Sobrang importante sa amin ang tulog kasi, most of times, lagi kaming on call, yun bang hindi mo hawak ang oras mo talaga. At sometimes, kapag
medyo nakapahinga na, browsing the Net. Facebook! Hahaha! Alam kong marami ang makaka-relate! Reading books and going to gym.
B: Anu-ano ang mga nami-miss mong gawin na hindi mo na masyadong nagagawa ngayong superstar ka na?
A: Hindi na ako masyadong nakakapunta sa malls. ‘Yung tulad dati na pasyal-pasyal lang. Kasi siyempre nga hindi mo na hawak ang schedule mo. Tsaka ang isa pa sa mga nami-miss ko yung kumain ng street food sa bangketa.
B: Anu-ano ang mga nabago sa buhay mo ngayong sikat na sikat ka na?
A: Wala naman pong masayadong nagbago sa sarili ko, kung ano ako noon, e, ganito pa rin naman po ako hanggang ngayon. Medyo naging mas comfortable lang ang buhay naming. Pero bukod dun, ako pa rin
‘yung Angel noon na nakilala nila. Maybe naninibago ako sa mga tao kasi kilala na nila ako at tsaka laging busy, pero nag-mature na rin ako sa paghawak ng schedule ko.
B: Meron ka bang beauty secrets na nais ibahagi sa iyong mga supporters?
A: Wala akong masyadong beauty secrets. I just eat well, minsan nagda-diet kapag medyo napi-feel ko nang nadadagdagan ang timbang ko. Tapos regular take ng vitamins, exercise. Enough sleep is very
important talaga para ma-rejuvenate ang skin. And one last tip, kailangan bago matulog, tanggalin ang make-up. Kahit na gaano tayo kapagod from work, gawing habit ‘yan. Tsaka ang pag-inom ng
maraming tubig.
B: Anu-ano ang laman ng kikay kit mo or your bag?
A: Make-up, lip gloss, may perfume din. Hand sanitizer and tissue. Sa bag naman, nandu’n ang phone ko, wallet and other gadgets.
B: Anu-ano ang mga lugar na gusto mong puntahan?
A: Anywhere okay sa akin, basta ang importante may beach po. Hahaha! Basta sobrang amazed ako sa beach, lalo na kapag sunset na. Gustung-gusto ko ‘yung mood na ganu’n. Very romantic.
B: May mga dream role ka pa ba? Sinu-sino ang mga big stars natin na gusto mong makasama sa mga future projects mo?
A: Ultimate dream ko talaga ang maging action star. Gusto ko ‘yung mga challenges ng action film. Parang ‘yun talaga ang mahirap gawin. Sa mga big stars po naman natin, marami po akong gustong
makasama pa, like sina Ms. Sharon Cuneta, Ms. Vilma Santos, si Ms Kris Aquino po. Lahat sila idol ko kasi. Bukod sa magagaling na silang artista, mabubuti pa po silang mga tao, kaya super blessed sila.
B: Sinu-sino ang mga crush mo sa showbiz?
A: Naku, secret na lang po natin ‘yan!
B: Kung hindi ka artista, ano kaya ang pinagkakaabalahan mo ngayon?
A: Malamang naging detective ako. Type ko kasi ‘yung mga nagso-solve ng mysteries. ‘Yung bago mo malaman na ganito pala ang nangyari sa bagay na ‘yan, paghihirapan mo munang isa-isahin ‘yung mga evidence, tsaka motives. Saya nu’n!
B: Hanggang ngayon hindi pa rin maiwasan na mai-compare ka kay Marian Rivera. Naaapektuhan ka pa ng mga ganitong intriga?
A: Ang weird lang na kinu-compare ka sa isang tao na wala namang issue sa inyo talaga. Lahat naman ng ginagawa namin work lang, so, wala naman talagang issue sa aming dalawa. Nabasa ko nga sa
interview niya noon, nu’ng in-offer sa kanya ‘yung Darna, sabi niya nahihiya raw siyang tanggapin kasi natatakot siyang ma-compare sa akin ulit. Actually, ako po yung nahihiya sa kanya kasi alam ko
yung feeling…nagsisimula ka, may pangalan ka, then iko-compare ka isang artista na ayaw mo namang makipagkumpitensiya. Sana po huwag na lang kaming i-compare kasi magkaiba po kami ni Marian. Maganda si Marian, magaling po siya. Maputi siya, maitim po ako. Ginagawa ko lang po ang trabaho ko. Nahihiya po akong i-compare kasi parang pinag-aaway kami. E, hindi naman po healthy ‘yung ganu’n.
Basta ako, natutuwa ako sa natatamong success ng kapwa ko. —interview ni eas, BANDERA Entertainment, 092209
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.