Jackie Rice walang respeto sa matanda, pinagmumura ng netizen | Bandera

Jackie Rice walang respeto sa matanda, pinagmumura ng netizen

Alex Brosas - September 07, 2014 - 03:00 AM

 


Kumalat sa social media ang pagtataray ni Jackie Rice sa isang matanda. “Hindi raw sinasadya ng tagahanga ni Jackie Rice na maubo sa harap ng kanyang idolo. Pero ang artista, parang hindi natuwa sa paghingi ng tawad niya.

Bakit kaya ganito ang reaksiyon ni Jackie?” came the story behind the video na naglabasan sa social media. Ang bilis manghusga ng mga tao. Talagang binash nang husto si Jackie at kung anu-anong masasakit na salita ang pinagsasabi against her.

“Kung scripted man ‘yan di dapat ganyan ang pananalita sa nakakatanda…alam nilang makikita nng publiko ‘yan di magandang pakingan…sinira lng nya ang mga fans nya at isa na akon jan.”

“Sino ba ‘yang hayup na ‘yan artista ba ‘yan? Yabang mu ah….matanda ‘yan kausap mo. Malasin ka at mag hirap ka! SUMPA.”
“Grabeh n man spread it madlang peps para mapahiya xa.”

But one explained na bahagi lang ito ng isang episode ng Wish Ko Lang. “Sorry guys tao lang part pa to ng wish ko lang program ng gma,” said one guy.

Well, the harm has been done. Naging nega tuloy ang image ni Jackie sa mga netizens. Actually, meron pa ngang nagalit dahil lumalabas na gumimik ang show na ito ng Siyete para pag-usapan at mag-rate.

Nagmukhang cheap tuloy ang programa. “Ginawa tayung tanga at mapagmata. Wala n kc cla maisip na pakulo para kumagat ang tao sa palabas nila,” galit na galit na say ng isang fan.

“Kaso d pa rin naaayon sa paningin ng lahat. Ratings ba ka nyo. Mag isip kau,” tili naman ng isang naimbiyernang fan.
Aray ko!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending