Juday kailangang pagbatiin sina Mother Lily at Alfie Lorenzo
TALAGANG inaasahan namin na magbigay ng kanyang pahayag si Judy Ann Santos hinggil sa naging away ng manager niyang si Tito Alfie Lorenzo at Mother Lily Monteverde.
Marami kasi ang hindi aware sa tunay na rason kung bakit naging sobra ang galit ng manager ni Juday kay direk Joey Reyes, ang direktor ng bagong movie ng Regal Films ni Mother.
“At least po ngayon nalaman naming mayroon pala talagang pinanggalingan ang emosyon ni Tito Alfie. Hindi mo rin siya masisisi,” tsika ng mga nakausap naming noon lang nalaman na two years ago pa pala ang isyu sa pagitan ng manager at direktor.
Nag-ugat ito ayon kay Juday noong ma-hurt si tito Alfie nang gawin niya ang indie film ni direk Joey for Cinemalaya. Although nakapag-apologize na raw (sincerely) si direk Joey kay tito Alfie at feeling okey na raw ang lahat, sadyang mayroon talagang mga taong nakapagpapatawad pero hindi nakakalimot.
Hanggang sa maganap na nga ang makasaysayang pagsasagutan ng manager at ng Regal matriarch. At dahil si Mother Lily naman ngayon ang may kaparehong sentimyento (at mas lumalim pa) gaya ng kay Tito Alfie two years ago, sadyang naging masalimuot na ang kuwento.
Sa aming pag-aanalisa, mayroon dapat gawin si Juday dahil in the first place at kung yung isyung na-bypass lang ang sasabihin nating naging rason ni Tito Alfie para magtanim ito ng galit kay direk Joey, di ba dapat may responsibilidad din ang artista sa kanyang naging desisyon noon?
Ano nga ba ang kanyang ginawa para matanggap ng manager niya na kinailangan niyang gawin ang nagawa niya noon?
( Photo credit to judy ann santos official fanpage )
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.