Anak nina Boyet at Sandy: comatose o may cancer?
How true ang nasagap naming chika na mukhang hindi kaagad makakapag-taping si Christopher de Leon para sa book 2 ng Ikaw Lamang dahil nasa US daw ito para bisitahin ang anak niyang may sakit? Mukhang malubha ang sakit ng kanilang anak kaya naman kinakailangan nilang magtungo roon ni Sandy Andolong.
May nakapagsabi sa amin na naaksidente raw ang anak ni Chistopher sa US habang nagda-drive at nasa critical daw ito na kondisyon. Tama ba ang chika sa amin na na-comatose ang anak nina Boyet at Sandy?
Can you please enlighten us, Boyet or Sandy? Ano ba ang totoong kuwento? Naguguluhan kami, kasi ang nakarating sa aming chika ay naaksidente ang anak n’yo and there was a report naman na merong testicular cancer ang son ninyo.
Anyway, kailangan ng prayers ng pamilya ni Boyet at tiyak na mara-ming prayer warriors ang nagsimula nang ipagdasal ang paggaling ng kanilang anak.
( Photo credit to entertainment inquirer.net )
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.