Jericho kakaririn ang pagiging singer kaya nagpalit ng manager | Bandera

Jericho kakaririn ang pagiging singer kaya nagpalit ng manager

Reggee Bonoan - August 06, 2014 - 03:00 AM


TINAWAGAN namin si Erickson Raymundo, may-ari ng Cornerstone Talent Management Agency tungkol sa paglipat ni Jericho Rosales sa kanila. Sabi niya sa amin, ito rin daw ang naging unang tanong niya sa aktor – bakit siya umalis sa pangangalaga ni Angeli Pangilinan-Valenciano.

“Siyempre, tinanong ko si Echo, ayoko kasi ng isyu, at nagsabi naman siya na gusto niyang mag-concentrate as a singer, I think more of having a clearer direction and branding with his music,” kuwento ng talent manager nina Sam Milby, Richard Poon, Erik Santos, Angeline Quinto, Yeng Constantino at iba pa.

Pero bago raw nagsabi ng “yes” ang manager kay Echo ay tinawagan daw muna niya si Ms. Angeli para bumusina, “Tinawagan ko siya, sabi ko, ‘bubusina ako kasi si Echo is getting me as manager, okay ba sa ‘yo?’ E, sabi naman ni Angeli, wala raw silang problema at okay sila, so sabi ko, okay, mag-uusap na kami.

“At the same time, nagsabi rin si Echo na babalik siya sa Star Magic at co-manage nga ang Cornerstone. “Sa akin naman, sino ba naman ang tatanggi kay Jericho, he is a good actor, passion niya talaga ang music at gusto nga niyang i-develop pa, since iyon din naman ang forte ko, sabi ko, sige we can work it out,” paliwanag ni Erickson.

Banggit nga namin baka naman type ni Echo ang mapabilang din sa concert scene sa ibang bansa tulad ni Yeng na talagang kilala na sa ilang lugar sa Asia at siyempre pa, mas malaki ang kita roon.

“Money naman will follow if the brand is strong, you will attract your market kahit niche pa,” paniniwala naman ng bagong manager ni Jericho.

Hindi naman daw bibitiw ang aktor sa pagiging artista dahil ito naman talaga ang forte niya, plano lang pagsabayin ni Jericho ang pag-arte at pagiging mang-aawit.

Samantala, tinanong namin kung ano ang sabi ng ibang alaga ng Cornerstone sa bago nilang kapatid? “Actually, si Sam ang una kong sinabihan kasi sila ni Echo ‘yung pareho, artista at singer.

Masaya si Sam, iyon ang taong wala kang magiging problema, sobrang bait, wala kang maririnig na reklamo, ano nga ‘yun, positive lahat sa kanya, hindi uso ang intriga.

“So far lahat excited kasi nga kilala naman nila si Echo at gusto siya ng lahat,” sabi pa ni Erickson. Diretsong tanong namin sa kanya kung siya na ang nag-ayos ng bagong serye ni Echo kasama sina Maja Salvador at John Lloyd Cruz, “Actually, pina-hold pa ni Echo kasi may inaayos pa, tinatapos niya lahat ‘yung mga naiwan niya sa Genesis para raw klaro.”

( Photo credit to jericho rosales official fanpage )

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending