CIA with BA nagbabala sa mga product online na walang presyo

CIA with BA nagbabala sa mga product online na walang presyo

Ervin Santiago - August 28, 2024 - 07:46 AM

CIA with BA nagbabala sa mga product online na walang presyo

Boy Abunda, Pia Cayetano at Alan Peter Cayetano

NARINIG o nabasa mo na ba ang mga katagang “PM is the key” habang tumitingin ng mga item online? Mag-ingat dahil ito ay LABAG SA BATAS!

Ito ang nilinaw sa episode ng public service program na “CIA with BA” nitong Linggo, August 25, kung saan inilahad ni Queen Manilyn ng Mariteam ang kanyang hinaing.

“Tumitingin po ako ng mamahaling bag sa online shop tapos nakita ko walang nakasaad na presyo, tapos nakalagay lang du’n sa page nila, ‘PM is the key.’ Pwede po ba ‘yon?” tanong niya sa segment na “Yes or No.”

Diretsahang sinagot ito ni Sen? Alan Peter Cayetano ng “No.”

Baka Bet Mo: Alfred naging nanay, tatay, kaibigan sa mga kapamilya; tunay na superhero para sa kapatid

“Alam mo, nagulat din ako diyan. Ako, mahilig ako sa collectibles, basketball cards, jerseys, figurines. Matingin din ako sa internet,” pagbabahagi ni Sen. Alan.

Ipinaliwanag niya na noong December, 2023, nilagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. ang Republic Act No. 11967 o ang Internet Transactions Act.

Ang batas na ito ay nagsusulong ng polisiya ng estado na panatilihin at palakasin ang e-commerce sa Pilipinas sa pamamagitan ng pagbuo ng tiwala sa pagitan ng mga online seller at consumer.

“Very specific ‘yon na sa internet, kailangan ng presyo. So pati sa Consumer Act, nakalagay din do’n na ‘pag ikaw ay nagbebenta, dapat merong price ‘yon,” diin ni Cayetano.

Binanggit din ng senador na maaaring marami sa mga online seller ang hindi alam ang requirement na ito, o kaya naman ay may mga dahilan sila tulad ng pag-iwas sa price canvassing o pag-target lamang ng mga seryosong buyer.

Baka Bet Mo: ‘Pieta’ nina Nora, Jaclyn at Alfred ilalaban sa MMFF 2023; PM Vargas tuloy ang pagpo-produce ng pelikula para makatulong sa movie industry

Ngunit idiniin niya na ang batas ay para pangalagaan ang lahat, “at kailangan talaga merong presyo.”

Habang patuloy na lumalago ang online shopping, mahalaga para sa mga seller at consumer na maging pamilyar sa kanilang mga karapatan at responsibilidad.

Bagama’t tila mas madali para sa ilang seller ang paggamit ng “PM is the key,” labag ito sa mga batas na naglalayong siguraduhin ang transparency at proteksyon ng mga consumer.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ang “CIA with BA” ay nagpapatuloy sa pamana ng yumaong Sen. Rene Cayetano at mapapanood tuwing Linggo ng 11 p.m. sa GMA 7, na may replay sa GTV tuwing Sabado, 10:30 p.m..

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending