Contestant sa Wil To Win nganga sa P50k dahil sa Family Feud

Contestant sa Wil To Win nganga sa P50k dahil sa Family Feud nakatutok

Ervin Santiago - August 27, 2024 - 07:00 AM

Contestant sa Wil To Win nganga sa P50k dahil sa Family Feud nakatutok

Willie Revillame

MARAMING nanghinayang sa isang contestant na natawagan sa programang “Wil To Win” ni Willie Revillame sa TV5.

Napansin ng mga manonood na medyo na-bad trip si Kuya Wil sa nasabing episode ng kanyang public service at game show dahil sa naturang female contestant.

Napanood namin ang episode na yun ng “Wil To Win” last Friday night at pati kami ay nabwisit sa natawagang babae na isa sa mga nagpadala ng sulat sa programa at maswerte ngang napili para manalo ng instant cash.

Baka Bet Mo: Willie naiyak nang mamaalam sa Wowowin; ibinandera ang Wil To Win

Sabi ng ilang nakachikahan naming fans ng programa, tama lang daw ang ginawa ni Willie na babaan ang natawagang letter sender dahil hindi naman talaga ito nakatutok sa kanilang show.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Wil to Win (@wiltowinofficial)


Habang kausap ni Willie ang babae sa telepono at naririnig on-air, binasa niya ang sulat nito. Gusto raw talaga nitong maglaro sa “Wil To Win” at manalo ng cash para makadagdag sa pang-araw-araw na gastusin ng kanilang pamilya.

Nang tanungin ni Kuya Wil ang nasa kabilang linya ay hindi niya nabosesan ang TV host kaya ang tanong niya, “Saan po ba kayong programa?”

Sagot sa kanya ni Willie, “Programa? Eh, ano bang pinapanood n’yong programa?”

Baka Bet Mo: Willie naiyak nang mamaalam sa Wowowin; ibinandera ang Wil To Win

Ang dire-diretsong sagot ng babae sa kabilang linya, “Sa GMA po, Family Feud.” Natawa na lamang si Willie at ang kanyang mga co-host pati na ang studio audience.

Hirit ng TV host, “Ay ganu’n ba? Family Feud? Eh, sayang po, Wil To Win ‘to. Eh salamat po. Sayang no? Sana magwi-Wil To Win kayo.

“Sige po enjoy watching Family Feud, ba-bye! Family Feud pala pinapanood niya, tapos bibigyan ko pa siya ng 50,000. Aba e, doon na lang siya manood,” sabi ni Kuya Wil pagkatapos ibaba ang gamit na telepono.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Wil to Win (@wiltowinofficial)


“Oh, ‘di ba? Pero sumulat siya sa akin, gusto niyang sumali sa Wil To Win dahil ako po ay nagbabaka-sakali po…” ang sabi pa Willie na nanghihinayang sa dapat sana’y mapapanalunan ng letter sender.

May mga netizens naman ang nagkomento na kung gusto raw talagang makatulong ni Kuya Wil sana raw binigyan pa rin niya ng pagkakataong makapaglaro sa show niya ang babaeng contestant.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Siyempre, hinayang na hinayang ang mag manonood dahil pera na nga naman ay naging bato pa. Sigurado raw galit na galit din ngayon sa kanyang sarili ang letter sender sa nagawa niyang sablay.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending