Ces Drilon, Marie Lozano, 3 iba pang batikang host babandera sa BNC
HINDI na paaawat ang pinakabagong TV network sa bansa, ang Bilyonaryo News Channel, na maghahatid ng iba’t ibang klase ng programa sa mga Filipino.
Ang tinaguriang broadcast sweetheart na si Marie Lozano ang magiging headliner sa bagong lifestyle show ng Bilyonaryo News Channel na “Lifestyle Lab.”
Sa documentary-style show na ito pag-uusapan ang mga usapin tungkol sa health and wellness, beauty, and fashion in signature Bilyonaryo style of reporting and presentation. At hindi lang ito mapapanood sa free TV kungdi maging sa digital world din.
Baka Bet Mo: Cristy Fermin pinuri si Erich, never nagyabang kahit may dyowang bilyonaryo
Mapapanood ang new episodes ng show every Saturday at 10 a.m. with replay at 8 p.m. on Sundays at the same time slots.
Mapapanood din sa “Lifestyle Lab” ang hottest and most talked about treatments and products na tiyak na papatok sa mga manonood. Ipakikita ng veteran journalist and aspirational star na si Marie ang mga latest trends at ibubuking din nito kung ano ang “hype” at “real deal.”
Mula sa beauty and cosmetic product reviews, aesthetic treatment and pharmaceutical therapies, to experimental fashion, grooming tips and beyond, makakaasa ang viewers ng isang makabuluhang panoorin kasama ang glamorosang host na si Marie.
Samantala, para naman sa usaping negosyo, dadalhin ng BNC ang business news reporting style sa mas malawak na audience along with its signature programs na sumasakop sa lahat ng base ng business landscape sa bansa.
Nakatakdang maglabas ang BNC ng bagong line-up ng mga programang tutugon sa kanilang followers sa pamamagitan ng mga business and corporate shows.
Ang mga bagong programa na mapapanood mula Lunes hanggang Biyernes ay nakatuon sa mga pagbabalita ng news and significant stories na nakakaapekto sa estado ng mga negosyo at ekonomiya, ganu’n din ang mga in-depth analysis and discussions kasama ang mga industry leaders and experts sa mga pangunahing issues and insights on corporate and public policy.
Ang veteran business broadcaster and the founder of the socially oriented organization dedicated to empowering Filipino youth in business and entrepreneurship na si Maiki Oreta ang hahawak ng Kiddo-preneur with programs “Basis Point” na mapapanood from 9:30 a.m. to 10 a.m. at “Industry Beacon” na eere naman from 11:30 a.m. to 12 noon.
Ibabandera ni Oreta ang kanyang kahusayan sa business journalism at entrepreneurship to keep the investors on the loop on market’s movement and the events affecting it.
Ang “Basis Points” ay magbibigay ng napapanahong update sa performance ng equities market at ang pinakabagong balita sa negosyo at ekonomiya.
Habang ang 30-minute business talk show na Industry Beacon ay magpo-provide sa industry experts ng platform para kausapin ang iba’t bang business chambers and leaders for insightful discussions.
Nagbabalik naman sa Philippine TV si Raine Musñgi na nakilala bilang business news journalist and presenter na mag-a-anchor at magpo-produce ng “Follow The Money” mula 10:30 a.m. hanggang 11 a.m..
Mapapanood naman sa nasabing half-hour show ang masterclass in personal finance, na magbibigay sa mga manonood ng strategies para saving, earning at kung paano palaguin ang iyong kayamanan sa pamamagitan ng magkakaibang paraan ng pamumuhunan.
Ang seasoned news and public affairs anchor naman na si Mai Rodriguez ang magho-host ng “Pathways to Success” na mapapanood Mondays to Fridays from 11 a.m. to 11:30 a.m..
Sa naturang show ay bibigyan ng pansin ang iba’t ibang industriya na magpapakita ng mga bagong pananaw sa so-called big players na siyang humuhubog sa paraan ng pagpapatakbo ng mga negosyo pati na rin ang mga MSME at social enterprise.
Mapapanood din sa bagong channel ang previous episodes ng “Usapang Bilyonaryo” ni Ces Drilon habang inihahanda ang new season ng mga bagong programa.
Magsisimula nang mapanood sa mas malawak na audience ang BNC sa September 9 on free-to-watch television channel BEAM TV 31 (through digital TV boxes in Metro Manila, Cebu, Davao, Iloilo, Baguio, Zamboanga, and Naga), and leading cable TV provider, Cignal Channel 24.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.