Ces Drilon ‘tumindig’ na rin: Ako’y para kay Leni-Kiko
NANINDIGAN at tumindig na rin ang batikang broadcaster na si Ces Drilon para sa kanyang mga kandidatong sina Vice President Leni Robredo at Senator Kiko Pangilinan na tumatakbo sa pagkapresidente at bise-presidente ngayong 2022 elections.
Present ito sa nagdaang Miting de Avance ng tRoPang Angat na ginanap sa Makato kahapon, Mayo 7 na dinaluhan ng halos isang milyong Pilipino.
Sa kanyang Twitter account ay isinapubliko ni Ces na ang kanyang boto ay para sa mga susunod pang henerasyon.
“Sa kauna-unahang pagkakataon isasapubliko ko ang aking boto para sa mga apo kong isisilang pa at sa mga darating na henerasyon,” saad ng batikang mamamahayag. Dagdag pa ni Ces, “Nais ko silang mabuhay sa isang lipunang pinangangalagahan ang karapatang pantao, katarungan, integridad at respeto sa isa’t isa.” “Ako’y para kay Leni-Kiko.”
Marami naman ang humanga sa ginawang pagtindig ng dating Kapamilya broadcaster.
Sa kauna-unahang pagkakataon isasapubliko ko ang aking boto para sa mga apo kong isisilang pa at sa mga darating na henerasyon.Nais ko silang mabuhay sa isang lipunang pinangangalagahan ang karapatang pantao, katarungan, integridad at respeto sa isa’t isa.Ako’y para kay Leni-Kiko pic.twitter.com/Hijajv6uid
— Ces Oreña-Drilon (@cesdrilon) May 8, 2022
“Isang lipunang pinangangalagaan ang karapatang pantao, katarungan, integridad at respeto! Sana maisip ito ng mga boboto bukas,” saad ng isang netizen.
Reply naman ng isa, “Maraming salamat sa pagtindig para sa isang magandang kinabukasan ng ating bansa. Bilang isang kabataan ako po ay taos pusong nagpapasamalat sa inyong pakikipag laban para sa magandang future para sa amin. Mabuhay po kayo.”
Matatandaang isa rin si Ces sa mga naging kritiko ng dating senador at presidential candidate na si Bongbong Marcos.
Sa katunayan ay nanawagan ito noong nakaraang taon na i-acknowledge niya ang mga maling nagawa at mga kasalanan ng kanyang amang si Ferdinand Marcos Sr. sa sambayanang Pilipino.
“We aren’t asking BBM to pay for the sins of his father but to acknowledge them! For how can you run on a platform pretending FM (Ferdinand Marcos) was the greatest president this country ever had when up to now my sons & your children are paying the interest on his behest loans to cronies!” saad ni Ces sa kanyang tweet noong Oktubre 2021.
Related Chika:
Ces Drilon naimbiyerna kay Toni dahil kay Bongbong: Nagamit or nagpagamit siya…
Ces Drilon pinasok na rin ang pag-aartista: It’s the time of experimentation…
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.