Ces Drilon nagulat nang mag-trending ang milk tea ad: I didn’t realize it would resonate that well
HINDI inaasahan ng beteranong broadcaster ns si Ces Drilon na magba-viral ang kanyang naging milk tea ad.
Sa kanyang naging panayam sa CNN Philippines, inilahad niya na ang mismong manager niya na si Ranvel Rufino ang kumumbinsi sa kanya na gawin ang naturang commercial.
Amin nga ni Ces, nagulat siya dahil sa unang storyboard ay may scene kung saan naliligo siya ngunit nawala raw ito.
“I guess there were many revisions until they came up with this final one,” lahad pa ng veteran journalist.
Tumagal rin daw ng halos 14-15 oras ang shoot ni Ces bago nila natapos ang naturang ad.
Sinabi rin niya na talagang asin ang inilagay sa kanyang kape na siya mismo ang nag-utos para mas maging natural ang kanyang pag-arte.
Baka Bet Mo: Ces Drilon pinasok na rin ang pag-aartista: It’s the time of experimentation…
Ngunit nang natanong kung nabigla ba siya na magba-viral ang kanyang naturang milk tea ad.
“I didn’t realize it would resonate that well. I was pleasantly surprised,ofcourse. Super surprised because people said yung reaksyon na tuwang tuwa ako ang cool pala n’ya,” sagot ni Ces.
Pagpapatuloy niya, “Sabi ko cool naman talaga ako di n’yo lang alam. Kasi to show a side of me na hindi nakikita.”
Ang mga naging reaksyon kasi ni Ces sa kaniyang ad ay may kalayuan sa pagiging seryoso nito sa trabaho.
Chika pa niya, natuwa rin siya dahil sa pag-aakalang old joke na ang “Stressed Drilon”.
“Actually I was surprised. Natuwa ako at the same time, surprised kasi akala ko luma na ‘to. ‘Di ba 2000s pa ‘yung Stressed Drilon? And you know lagi akong nata-tag… It was a bit like yeah, old, but they gave it a fresh [approach],” sey ni Ces.
Makikita sa viral ad ang pagiging stress ni Ces dahil sa sunud-sunod na hindi magagandang pangyayari sa kanyang araw.
Sa ngayon ay halos nasa 5 million views na ang naturang ad ng beteranong mamamahayag.
Related Chika:
Ces Drilon naimbiyerna kay Toni dahil kay Bongbong: Nagamit or nagpagamit siya…
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.