Babaeng nag-viral sa pagtayo sa parking slot nakiusap, ‘wag na ipakalat ang video
NAKIUSAP ang babaeng nag-viral matapos ang ginawang pagtayo sa isang parking slot na huwag nang ipakalat pa ang kanyang video.
Matatandaang noong Biyernes ng gabi, November 1, isang insidente ang nangyari sa isang sementeryo sa Las Piñas ang nag-viral.
Ang babaeng nag-viral na nakasuot ng pink ay pinapatabi at pinapaalis sa naturang parking slot na nagresulta sa pagtatalo.
Tuloy pa rin ang pagtatalo ng mga babae sa video kahit na may dumating na parking attendant.
Baka Bet Mo: Babaeng netizen nagdyowa ng gwapo pero inutil: Nakakapagod!
View this post on Instagram
Makikita pa nga sa naturang video na may isang babae ang tumulak sa babaeng naka-pink para paalis sa parking.
“Pagpunta ko doon, umalis lang po talaga ‘yung naka-park doon. Sabi ko, ‘paalis na po ba kayo?’ Tapos po, doon na po No tumayo na winait ko sila,” pagpapaliwanag ng babaeng nag-viral na naka-pink sa GMA news program na “State of the Nation”.
Iniisip lang daw niya ang mga parating na kasama at senior citizens na mga magulang at mga bata kaya ni-reserve niya ang slot.
Naisip rin daw ng babaeng mag-viral na mali ang kanyang ginawa at nauna nang nakipag-ayos at nakipag-usap sa naabalang sakay ng SUV.
Humihingi rin siya ng pasensya at pang-unawa sa publiko at nakiusap na huwag nang i-reupload ang kanyang video.
Dagdag pa niya, “Sa lahat ng nagre-reupload ng video, please stop na po kasi ang akin lang po, ok na both sides. Sorry, nagkamali lang po talaga… nagsisi naman po ako.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.