Babaeng ikakasal na, buking ang fiancé na dumedede pa rin sa ina

Babaeng ikakasal na, nabuking ang fiancé na dumedede pa rin sa ina

Ervin Santiago - August 27, 2024 - 12:15 AM

Babaeng ikakasal na, nabuking ang fiancé na dumedede pa rin sa ina

BABALA: Maselan at sensitibo ang laman ng artikulo

ANO’NG gagawin mo kung mahuli mo sa akto ang iyong boyfriend na “dumedede” pa rin sa kanyang nanay hanggang ngayon na parang baby?

Yes, yes, yes mga ka-Marites all over the universe! Yan ang nakakalokang problema na isinumbong ng isang female caller sa radio show ni DJ Kara sa Energy FM about her fiancé.

Napanood namin ang episode na ito sa official Facebook page ng naturang radio station kung saan humingi ng advice ang babaeng caller kung ano ang dapat niyang gawin matapos mahuli ang kanyang fiancé na “dumedede” pa rin until now sa nanay nito.

Baka Bet Mo: Kris Bernal umiyak nang bongga nang ma-postpone ang kasal: Pero ang mahalaga tuloy pa rin

Naiintindihan naman daw ng girlalu ang pagiging mama’s boy ng kanyang dyowa sa edad na 24, pero nakakawindang at nakaka-shock daw talagang malaman na feeling sanggol pa rin ito na bine-breastfeed ng kanyang ina.

Ayon pa sa babaeng caller, four years na silang magkarelasyon ng kanyang dyowa at engaged na rin pero nagdadalawang-isip nga siya na ituloy ang wedding dahil sa kanyang natuklasan.

Rebelasyon pa ng girl, magkatabi rin daw ma natutulong ang mag-ina na never niyang nilagyan ng malisya dahil alam nga niya kung gaano ka-close ang mga ito. Pero isa raw ito sa lagi nilang pinagtatalunan.

Feeling din ni Ate Girl, may pagkakataon na sinusungitan siya ng kanyang future mother-in-law.

Sa isang bahagi ng video ay naikuwento nga niya kung paano niya nadiskubre ang “lihim” ng boyfriend. Nagkaroon daw sila ng celebration after mag-propose sa kanya ang dyowa na nangyari sa guest house nila.

Baka Bet Mo: Seth Fedelin sa panggagaya raw kay Daniel Padilla: ‘Siya lang ba ang pwedeng gumawa ng ganu’ng porma?’

After ng dinner, nagpunta siya sa CR para mag-retouch pero pagbalik niya ay hindi na niya nahagilap ang fiancé. Hinanap daw niya ang guy hanggang sa  matagpuan niya ito sa isang guest room.

Dito nga niya nakita ang dyowa na nakahiga sa hita ng nanay nito na parang baby na bine-breastfeed!

Reaksyon ni DJ Kara nang marinig ang kuwento ng kanyang caller, “Is it a joke?”

“Hindi po DJ Kara,” sagot naman ng girl na talagang natulala sa nasaksihang eksena na inakala niyang sa pelikula lamang nangyayari.

Ang explanation daw ng kanyang fiancé, normal lang daw nilang ginagawa iyon ng nanay niya bilang pampakalma raw sa kanya kapag nakakaranas ng extreme feelings. Pero siyempre raw, hindi siya naniwala kaya nilayasan niya agad ang guy.

Mula raw nang mangyari ito, may tatlong buwan na raw silang hindi nag-uusap ng boyfriend niya kaya tumawag na siya sa programa ni DJ Kara para humingi ng payo — itutuloy pa ba niya ang relasyon nila ng BF o tuluyan na niya itong hihiwalayan?

Feeling ni DJ Kara, may psychological issues ang boyfriend niya dahil naniniwala siya na hindi normal ang ginagawa ng mag-ina.

“But I would suggest na pumunta ka sa isang professional o psychiatrist para maintindihan mo, or isama mo ‘yong boyfriend mo, para ma-gets mo rin, bakit ginagawa ‘to ng boyfriend ko. Anong klaseng act ito, ‘di ba?” payo ng DJ.

Samantala, may netizen naman ang nag-post ng kanyang opinyon sa nasabing sitwasyon.

“OEDIPUS COMPLEX from King Oedipus (Greek Myth) na nagkaroon ng Sexual desire sa Sarili niyang ina. ELECTRA COMPLEX naman kapag ung anak na babae nagkaroon ng Sexual desire sa sarili niyang ama.

“According to Psychology nangyayari ito dahil sa sobrang attachment ng anak sa parent. SON to MOTHER, DAUGHTER to FATHER. attachment na akala ng anak eh intimate feelings at nauuwi sa RIVALRY ng FATHER to SON and MOTHER to DAUGHTER.

“Ang best way daw na dapat gawin is paghiwalayin sila ng magulang na kinahuhumalingan kapag natuon si Boy sa pagmamahal sa ibang tao makakalimutan Niya ung ‘Feelings’ kuno sa Nanay niya pero meron case na Lalo lumalala because of longing.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“GIRL, YOU REALLY HAVE TO TAKE THE RISK KUNG TALAGANG MAHAL MO BF MO OR YOU HAVE GAVE HIM UP,” ang buong pahayag nito.

Kayo, dear BANDERA readers, kung kayo si female caller, ano’ng gagawin n’yo? Comment na, now na!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending