Seth Fedelin sa panggagaya raw kay Daniel Padilla: 'Siya lang ba ang pwedeng gumawa ng ganu'ng porma?' | Bandera

Seth Fedelin sa panggagaya raw kay Daniel Padilla: ‘Siya lang ba ang pwedeng gumawa ng ganu’ng porma?’

Reggee Bonoan - August 31, 2022 - 09:11 AM

Daniel Padilla at Seth Fedelin

“SIYA lang ba ang puwedeng magsuot ng ganu’n? Siya lang ba ang puwedeng gumawa ng ganu’n porma? E, ganito ako, eh. Simple lang kinalakihan kong buhay.”

Ito ang gustong isagot ng Kapamilya young actor na si Seth Fedelin sa mga nagsasabing ginagaya niya ang porma ng sikat na aktor at galawan na si Daniel Padilla.

Sa part two ng panayam ni Seth kay Ogie Diaz sa sarili nitong YouTube channel na in-upload nitong Martes ng hapon ay napag-usapan nila si DJ na ginagaya nga raw ni Seth.

Nang nasa loob pa ng “PBB” house si Seth ay napansin na agad ng lahat ang pagkakahawig nila ni Daniel lalo na sa boses at pananalita. Hanggang sa makalabas siya ng Bahay ni Kuya ay napansin na rin ang kung paano siya manamit at pumorma.

Kaya iisa ang sabi ng karamihan, “Ginagaya ni Seth si Daniel Padilla.”

Tulad nga ng katwiran ng aktor na isa sa lead star ng musical TV series na “Lyric and Beat” kasama sina Andrea Brillantes, AC Bonifacio at Kyle Echarri ay ganu’n talaga siya at okay naman daw ito sa ABS-CBN management.

View this post on Instagram

A post shared by Seth Fedelin (@imsethfedelin)


Aniya, “Sabi naman sa akin ng management, ‘Seth maintain mo ‘yan, maintain mo ‘yang pang-masa (look) mo. Ang inaano ko po kasi ay gusto kong maka-relate sa akin ang tao, mga bata na kahit ito lang suot ko, okay ‘yan.

“Bakit ako magsusuot ng mamahaling sapatos, e, ayaw ko nga ng ganu’n. Isang beses mo lang masusuot tapos wala na (hindi na puwedeng ulitin) tapos ang mahal-mahal pati ‘yun nakikita nila pati buhok, kabuhok ko raw si kuya DJ. Anong gusto ninyo, magpakalbo ako?”

Sabi naman ni Ogie, “Para lang mapalayo (ang itsura)?”

“Opo. Ako po sa lahat ng mall show iniiwasan ko pong kumanta ng kanta ni kuya DJ. Sinasadya ko po para hindi ako (maikumpara) lalo na pati boses daw,” ani Seth sabay binago ang pitch ng boses, “Paano kung ito talaga ‘yung totoo kong boses hindi ko ginagaya (sabay tawa ni Ogie).”

Dagdag pa niya, “Minsan gusto ko na po silang sagutin na hindi ko sila ginagaya, minsan pag nasa loob ako ng bahay, kapag nagba-vlog ako, eto ako. Pag kausap ako ng mga tao, eto ako hindi ko ginagaya.

“Actually nga po pag nakita ninyo si kuya DJ at tumayo sa harapan n’yo, napaka-manly niya po tingnan at ako po ay hindi ganu’n. Pag tumayo ako sa inyo para akong totoy, promise po ‘yan. Kapag nagsalita at nakipagkulitan ako mukha akong totoy, mukha akong lumaki sa kanal.”

Sa tanong ni Ogie kung nasasaktan si Seth sa mga komentong naririnig ay hindi naman daw, “Hindi ako nahe-hurt, naiinis! Hindi ako nasa-sad pero naiinis kasi ang dami nilang sinasabi. Kasalanan ko po ba kung ano ang nakikita ninyo sa akin? Maraming salamat po sa mga nakaka-appreciate.

“Minsan napapaisip ako kapag may nagsasabing ‘kamukha mo si (DJ).’ Good ba ito o bad (compliment)?” pahayag ng aktor.
Ipinagdiinang walang intensyon si Seth na gayahin si Daniel pero, “Siguro ang gagayahin ko lang po kay kuya DJ, magiging honest po ako siguro ‘yung na-achieve niya.

“Siguro ‘yung blockbuster sa sinehan, ‘yung The Hows of Us, gusto kong makagawa rin ng ganu’n. Hindi naman maitatangging iba po si kuya DJ napakalayo na ng narating. Siguro 10 kabang bigas ang kakainin ko or baka isang daan pa nga, eh.

“Alam ko po ‘yun sa sarili ko at hindi ako magiging Daniel, hindi po mapapalitan si Daniel. Pag nasa labas ako gusto kong marinig na si Seth ‘yan,'” sabi pa ng binata.

Say naman ni Ogie, “’Yung ikaw mismo, walang ikakabit sa pangalan mo. Pero nagkita na kayo ni DJ?”

“Opo, ilang beses na, ‘yung huling kita namin ‘yung basketball ng Star Magic. Nakilala ko si kuya DJ dahil din sa mga kaibigan ko, sina kuya Joshua (Garcia). At ito po ah, hindi ko rin dinrive ang sarili ko na pumasok sa grupo hindi po ako ganu’n.

“Kasi may naano (narinig) ako na, ‘Uy si Seth o, dumidikit kay DJ.’ Ha? Bawak kong dikitan? Bawal ko man lang kausapin at batiin at gumalang ng ‘kuya DJ kumusta po?’ Hindi ko po ugali ‘yung isisiksik ko (sarili). Plano ko lang talaga is galingan ko sa trabaho ko at palaging maging mabait,” diin ni Seth.

Sa kasalukuyan ay unti-unti nang natutupad ni Seth ang pangarap niya na mabigyan ng magandang buhay ang pamilya niya at siya rin ay nag-iipon para sa sarili pero iisa lang ang hiling niya, sana laging nasa tabi niya ang magulang niya dahil hindi niya kakayanin ang lahat kapag nawala ang mga ito.

https://bandera.inquirer.net/280064/seth-fedelin-may-promise-sa-madlang-pipol-nagse-share-na-ng-secrets-kay-andrea
https://bandera.inquirer.net/311333/daniel-gamay-na-gamay-na-ang-tambalan-nila-ni-kathryn-meron-kasing-magic-sa-totoong-pagmamahal

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://bandera.inquirer.net/286058/wish-ni-angel-pag-nagsama-na-sila-ni-neil-bilang-mag-asawa-sana-naman-gusto-rin-niya-yung-gusto-ko
https://bandera.inquirer.net/298189/janine-kapag-pinag-agawan-ng-2-lalaki-pipiliin-ko-kung-sino-ang-mahal-ko-ganun-lang-kasimple

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending