Vice Ganda, Kris parehong walang swerte sa Lovelife, malas sa lalaki | Bandera

Vice Ganda, Kris parehong walang swerte sa Lovelife, malas sa lalaki

Julie Bonifacio - July 06, 2014 - 03:00 AM


MAGSISIMULA nang gumiling ang kamera para sa “Praybeyt Benjamin 2” ni Vice Ganda this month. Makakasama niya for the first time sina Richard Yap at Bimby Aquino Yap sa direksyon ni Wenn Deramas.

Last year, magkalaban ang magkahiwalay na pelikula nina Vice at Bimby sa Metro Manila Film Festival na naging dahilan pa ng tampuhan ng komedyante at ni Kris Aquino.

“Nakakatawa nga si Kris nu’ng The Buzz. Sabi niya, ‘Ay, for sure, Praybeyt Benjamin ang number one kasi nandoon si Bimby.’ Kaya sabi ko, ‘Ay, Direk Wenn number one na raw tayo! Vinouch ni Kris kasi nandoon si Bimby, go, go, go!” kwento sa amin ni Vice.

Close raw si Vice kay Bimby kaya tingin niya hindi ang child star ang pro-problemahin niya kundi si Kris. “Kasi stage mother, at saka tutok ‘yun sa shooting, ‘no! Hindi naman ako maiirita sa kanya.

Masaya nga kasi aminado naman si Kris na mas aligaga siya sa pelikula ni Bimby kesa sa sarili niyang pelikula. Kasi syempre ang mga nanay selfless, uunahin muna ang mga anak bago ang sairli.

Kaya ‘yun ang advantage ko sa kanya,” natatawang sabi ni Vice. Kinuha namin ang opinion ni Vice sa masalimuot na pag-ibig ni Kris kay Quezon City Mayor Herbert Bautista.

“Nag-usap kami after niya magsalita nu’ng Sunday. Sabi ko, ah, tama lang. It’s due time na nagsalita ka na rin kasi ang mga tao alam na alam na magdyowa kayo pero hindi nila alam kung saan kayo nagmula, kung ano’ng nangyari, saan nanggagaling ang pananahimik mo, saan nanggagaling ang mga statement mo.

At least malinaw na. Saka importante hindi sila magkaaway,” sey ni Vice. Knows ni Vice lahat nang nangyayari kay Kris. They share almost everything with each other sabi pa niya sa amin.

“Bumoto ako kay Bistek kasi nakita ko ‘yung saya sa mata ni Kris, e. Sabi ko sa kanya, ‘Girl, hindi ka na bata. Kung ano ‘yung makakapagpasaya sa ‘yo go na kasi ang dami mo na rin namang sinakripisyo at pinagdaanan sa buhay.

Deserved mo naman ang maging masya. Kung anuman ‘yan, go lang, susuportahan kita.’ Kasi ganoon din naman siya sa akin, ‘di ba?” Tanggap naman ni Vice na sa kabila nang paglalahad ni Kris sa relasyon nila ni Mayor Bistek ay marami pa rin ang bumabatikos sa kanyang “asawa.”

“E, ganoon talaga. You can never please everyone. Ilang milyon ang dami ng tao sa mundo at hindi lahat ‘yun makakapareho ng takbo ng utak mo. E, tanggap naman namin ni Kris ‘yun.

Ganoon din naman ako. Kahit ano’ng tama at kahit gaano mo pa itama at gawing  simple ang mga bagay ng sinasabi, meron at meron pa ring masasabi ang lahat,” kibit-balikat ni Vice.

Sabi namin kay Vice, pareho talaga sila ng kapalaran ni Kris pagdating sa pag-ibig. “Madali lang akong naka-move on. I never got mad. I just got hurt but I was never got mad. It was easier for me to move on.

Wala kasi akong bitterness, e. Kahit naman sa totoong buhay hindi ka makakalakad ng diretso kapag ang bigat ng bitbit mo sa likod. Pero kapag wala kang bagahe, wala kang ginawang kasalanan, wala ka namang inapi, ang dali-dali lang. I held on only to the good memories,” ngiti pa niya.

No comment naman si Vice tungkol sa naugnay sa kanyang basketball player na si Terrence Romeo at ama nito, “Ayaw ko na siyang banggitin kasi syempre kahit ikaw kapag sinulat mo ‘yan, kahit ano’ng ganda nang pagkakasulat mo, meron at meron magpapahaba,” sambit niya.

Sabi pa niya, “Ayokong ako pa ang maging dahilan ng buhay nila, ayoko silang idawit sa mga usapin ng buhay ko dahil hindi naman sila showbiz.  Hindi nila deserved. Kaya gustgo kong ibigay sa kanila ‘yung space na ‘yan.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

( bandera.ph file photo )

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending