Palarong Pambansa inisnab ni Pacman, may sakit daw ang anak | Bandera

Palarong Pambansa inisnab ni Pacman, may sakit daw ang anak

Jobert Sucaldito - May 06, 2014 - 03:00 AM


NU’NG isang gabi pa kami tumungo ng Laguna – magkakasama kami nina Richard Pinlac, Romel Galapon and commercial and ramp model Eric Eleazar na nag-stay sa Touch of Thai Hotel sa Pagsanjan, Laguna para hindi kami ma-late sa 8 a.m. grand opening ng Palarong Pambansa sa Sta. Cruz, Laguna yesterday.

Mahusay talaga ang piloto naming si Roger “Mikmik” Divino at lahat ng lakad namin ay na-achieve. Iyon nga lang, halos isang oras lang ang tulog namin the other night dahil naglakwatsa pa kami at nakabalik sa hotel 4 a.m. na.

Nanood pa ako ng old movie na “Guhit Ng Palad” sa Cinema One hanggang 5 a.m. and slept bandang 5:30. Nagising ako bago mag-6:30 a.m. dahil kailangan naming mag-shower at bumiyahe papuntang Sta. Cruz, Laguna for the event.

Before we went to the venue nag-breakfast muna kami sa Calle Arco, the best restaurant sa Pagsanjan, Laguna that cooks of the best in everything.

Naku, try niyo ang resto na ito – hanep sa sarap ng lahat ng pagkain lalo na yung sinigang na baka. Kaloka! Anyway, nag-convoy kami nina Pagsanjan Mayor Maita Ejercito papuntang Laguna Sports Complex dahil she was singing the theme song of the biggest national sports event, ang “Sports Is A Way Of Life” with the Koro dela Laguna.

Rico Blanco sang ahead of her actually – he did the theme song of Dep-Ed. Gov. ER Ejercito came to the venue much earlier than all of us – wala pang 7 a.m. ay nandoon na siya to personally check on every detail ng event.

Speeches left and right from the different keynote speakers – maliban kay Gov. ER, nagsalita rin sina TESDA Sec. Joel Villanueva na ikinuwento yata ang buhay niya as a former athlete din ng Palarong Pambansa and paulit-ulit na sinabing siya raw ang kinatawan ni P-Noy (as if naman it matters to any of us.

Ha-hahaha!), Dep-Ed Sec. Bro. Armin Luistro and former president and now Manila Mayor Joseph Estrada na dumating sakay ng chopper na doon mismo sa grounds nag-land.

Among the athletes (Manny Pacquiao, Teng Brothers, Enchong Dee and Jerico Estregan) na tumakbo para sa Torch Parade, tanging si Pacquiao lamang ang hindi dumating.

“Nag-text si Pacquiao na nasa ospital daw siya dahil may sakit ang anak niya,” shares Gov. ER. Nagtaasan lahat ang kilay namin. Parang di namin accepted ang excuse.

Okay, nandoon na tayo, maysakit ang bata pero hindi naman siguro ganoon kagrabe para hindi niya siputin ang isang event na natanguan niya at pang-national pa naman ang scope.

Nandiyan naman siguro si Jinkee Pacquiao na alam nating kapanganganak lang pero nandito lang naman sa kapaligiran para mag-alaga ng batang may sakit, di ba?

“Baka hindi lang bilib masyado si Pacquiao sa Palarong Pambansa kaya hindi ito nakasama sa priority niya. Baka walang bayad or maliit lang kaya deadma siya.

Dapat the show must go on, di ba? Napakaraming na-disappoint dahil hindi siya sumipot,” ang medyo nairitang sambit ng isang member of the TV press na dumalo.

Kahit wala si Pacquiao, matagumpay na naidaos ito nina Gov. ER and Mayor Maita kahit kulang na kulang talaga sila sa tulog. Kahit nangangalumata silang dalawa ay masigla pa rin silang nag-participate hanggang sa kahuli-hulihang part ng program na natapos almost lunchtime na.

Doon na rin sila nag-lunch sa tabi ng bagong tayong sports monument ni Dr. Jose Rizal na pinagawa nila – the biggest and tallest in the world at 26 feet – at walang-humpay na picture-picture sa napakaraming provincial delegates.

Kahit kami nga ay nag-kodak-kodak din with some of them. Palagi raw silang nakikinig at nanonood sa aming “Mismo” program sa DZMM Teleradyo. Thanks talaga guys ha.

During lunch (nag-ice cream lang ako actually), kasama namin sa table ang napakaganda palang si Ariella Arida who landed as a runner-up sa last year’s Miss Universe.

Napakabait at napakagandang bata – mas maganda siya sa personal kaysa sa photos and TV. Mukha kasi siyang bading pag nasobrahan sa make-up sa TV pero sa personal, she’s very beautiful. Dapat sa kaniya ay manipis lang talaga ang kolorete sa mukha.

Punumpuno ng tao ang Laguna Sports Complex , organized na organized ang event – hindi magulo. Pati ang media were given enough accreditation passes para hindi sila mahirapan sa pag-cover.

Cars were given access to the grounds, pag wala kang car pass, hindi ka talaga papasukin. Maganda yung ganoon – may disiplina.

Sobrang init ng panahon kahapon pero wala kang maririnig na reklamo from the over 11,000 delegates from all over the country. Nag-enjoy ang mga athletes sa piling ng mga sikat na celebrities and personalities na nakasama nila sa ilalim ng araw.

To everyone, good luck sa lahat ng games. Be good, boys and girls. Nakakainggit nga kayo dahil alam naming you are already champions sa inyong mga lalawigan and nandito kayo sa Palarong Pambansa to play againt your fellow champions.

Battle of the Champions actually ito kaya nakakatuwa. Kami nga ay hindi man lang nananalo sa schools namin nung bata pa kami pero kayo – you’re truly amazing! Promise!

To everyone sa likod ng Palarong Pambansa na ito lalo na kay Gov. ER Ejercito at mga kasamahan niya sa Sangguniang Panlalawigan ng Laguna, congratulations for a good start. Just go on until May 10, ang final day ng kompetisyon.

We’re so proud of Laguna kahit hindi kami tagaroon dahil nakita namin kung paano pinahalagahan ng lalawigan nila (through the walang-kapagurang pagsumikap ni Gov. ER mismo) ang mga kabataang atleta sa buong Pilipinas. Kudos to you!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

( Photo credit to INS )

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending