Keri mo ba Maja...Gerald gusto nang maraming anak | Bandera

Keri mo ba Maja…Gerald gusto nang maraming anak

Ervin Santiago - March 26, 2014 - 03:00 AM


Wala pa sa plano ni Gerald Anderson ang pakasalan si Maja Salvador. Hindi rin daw nila napag-uusapan ng girlfriend ang tungkol dito dahil marami pa raw silang priorities sa buhay.

Pero sinabi ng aktor sa isang interview na pangarap din niya siyempre ang magkaroon ng sariling pamilya in the future, pero hindi pa raw ‘yun mangyayari sa panahong ito.

“Hindi pa namin napag-uusapan, kasi sobrang focused kami sa pamilya namin at sa kung ano ‘yung meron kami ngayon. Hindi pa. Ang dami pa naming goals sa buhay.

Pero siyempre one day kasama iyan sa mga pangarap na magkapamilya but ‘yun ‘yung mga later dreams ko pa,” ani Gerald sa panayam ng ABS-CBN.

Kailangan daw muna niyang mag-ipon para sa seguridad ng kanyang pamilya bago isipin ang pagpapakasal. Ayon pa sa leading man ni Anne Curtis sa fantaseryeng Dyesebel na napapanood gabi-gabi sa Primetime Bida, posibleng magpakasal siya at magkaroon ng anak sa edad na 30.

Aniya pa, “Malayo pa ‘yun (pagpapakasal), kailangan ko pa mag-ipon. Siguro kapag 30 to 35 na ako. Gusto ko 30 sana may anak na ako. Gusto ko parang barkada ko ‘yung anak ko.

By 30, isa sana and then by 32 may isa pa. Gusto ko apat eh, I want a big family.” Samantala, huwag na kayong mainip dahil malapit nang lumabas sina Anne, Gerald at Sam Milby sa Dyesebel.

Tiyak na mas maaadik kayo sa pagtutok kapag nagdalaga na si Dyesebel at kapag nagtagpu-tagpo na sila nina Liro (Sam) at Fredo (Gerald).

In fairness, hindi na naman tayo binigo ni Dawn Zulueta bilang nanay ni Dyesebel, at bagay din pala sila ni Albert Martinez na gumanap namang tatay ni Dyesebel.

Pero marami kaming nakakausap na mas nae-excite sila sa paglabas ni Anne bilang tao at ang pagkikita nila ng kontrabida sa serye na si Andi Eigenmann.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending