Royette Padilla namaril ng pinto ng kapitbahay, arestado | Bandera

Royette Padilla namaril ng pinto ng kapitbahay, arestado

John Roson - March 25, 2014 - 03:53 PM
NAHAHARAP sa kasong grave threat at paglabag sa Anti-Child Abuse law ang utol ni Robin Padilla na si Royette matapos itong mamaril ng pinto ng kapitbahay sa Clark Field, Pampanga, nitong Sabado. Inaresto si Padilla ng mga elemento ng Public Safety Department (PSD) ng Clark Development Corp. at Angeles City Police sa Pasak st., Redwood Villas, Sabado ng gabi. Lumabas sa imbestigasyon na nagtungo si Padilla sa garahe ng kapitbahay na si Evelyn Montuno at doo’y dalawang beses na nagpaputok ng baril, ayon sa ulat. Sinabi ni Montuno sa pulisya at PSD na naghahanda siya ng hapunan nang bigla siyang kausapin ng noo’y tila lasing na si Padilla mula sa kabila ng bakod. Inihayag ni Montuno na di niya pinansin si Padilla at nagtungo na lang sa hapag-kainan kasama ang mga anak na babaeng edad 10 at 8, hanggang sa makadinig sila ng mga putok ng baril. Dahil dito’y humingi ng saklolo ang ginang sa pulisya at PSD, ayon sa ulat. Hawak na ng mga tauhan ng PSD si Padilla nang dumating ang mga miyembro ng lokal na pulisya, ayon sa ulat.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending