Jc de Vera mas naging yummy: Hirap na hirap akong magpaganda ng katawan! | Bandera

Jc de Vera mas naging yummy: Hirap na hirap akong magpaganda ng katawan!

Reggee Bonoan |March 22,2014
facebook
share this

Jc de Vera mas naging yummy: Hirap na hirap akong magpaganda ng katawan!

Reggee Bonoan - March 22, 2014 - 03:00 AM

Noon pa man ay gusto na naming katsikahan si JC de Vera dahil bukod sa napakabait na bata ay napakagalang pa at marunong magpasalamat, ‘yun nga lang, medyo hirap pa siyang sumagot sa mga tanong namin noong nasa GMA 7 at TV5 siya.

Kaya nang mapakinggan namin ang mga sagot niya sa grand presscon ng seryeng Moon Of Desire ay nagulat kami dahil malaki na ang ipinagbago ng binatang actor.

Isa pang bonus point kaya gusto ng entertainment press si JC ay dahil first name basis ang tawag niya sa entertainment press, di ba bossing Ervin, nakakatuwa kasi talagang nag-e-effort siyang tandaan ang mga pangalan ng reporters.

Sana lahat ng artista tumulad sa alaga ni Leo Dominguez, walang ere, walang angas at higit sa lahat, palangiti at palabati.
Ipinagtatanong din namin siya sa production, in fairness wala kaming narinig na reklamo dahil napakagalang daw ni JC kahit sa mga utility.

Kaya tama rin na napunta siya sa ABS-CBN para mabigyan siya ng magandang projects dahil magaling naman siyang umarte at sayang ang talent kapag hindi nagamit.

Samantala, hindi naman nakakagulat ang ibinigay na VIP treatment kay JC sa Moon of Desire presscon noong Huwebes ng gabi, binigyan kasi siya ng solo interview bago ipakilala ang iba pang cast ng show.

Hindi naman siguro mai-insecure ang kasamahan niya sa serye dahil ang aktor naman ang pinakamatagal na sa kanila sa larangan ng pag-arte.

Say nga ni JC nu’ng lumipat siya sa ABS-CBN, “Hindi ako nag-e-expect ng maraming trabaho, hindi rin ako nag-e-expect na magagandang shows ang ibibigay sa akin. Naghihintay ako kung ano ang ibibigay sa akin.

“Kung meron, e, di thank you. Kapag wala, ganu’n talaga yung laban dito sa industry. Right now, I’m very blessed and very thankful sa mga nangyayari ngayon. I’m really overwhelmed sa lahat ng projects na ginagawa ko,” kuwento ng aktor.

Samantala, ilang buwan din ang nagdaan bago binigyan ng serye si JC pero hindi siya naringgan ng reklamo dahil kadalasan kapag lumipat sa ibang network ang isang artista ay kailangan may project kaagad.

Positibo ang pananaw ni JC, “Matagal-tagal na rin ako sa industry, napag-aralan ko na rin talaga na patience is a virtue. Hindi ka puwede talaga na nagmamadali.

Ako, never akong nagmadali. Magaling akong maghintay, hindi ako mareklamo.” Kaya naman nang dumating ang The Legal Wife at Moon of Desire ay aminadong hirap at pagod ang nararanasan ng aktor. “Wala po akong time(mag-rest),Monday,Wednesday, Friday, taping ng Legal Wife, Tuesday, Thursday, Saturday po Moon Of Desire, siyempre alam naman natin pag taping long hours of working, pagkatapos ng isa, diretso na po ako sa susunod na call time.

“Wala namang naririnig na reklamo sa akin kasi mahal na mahal ko ‘tong ginagawa ko, ito ‘yung nagpapagising sa akin, love for my work for the craft maski na antok na antok na ako at pagod,” kuwento ni JC.

Samantala, maraming nakapansin na mas lalong gumuwapo at gumanda ang katawan ni JC kaya iisa ang tanong sa kanya ng lahat kung paano niya naaalagaan ito.

“Honestly, hirap na hirap po. Mahirap mag-maintain ng maayos na katawan, actually ‘yung fit talaga lalong-lalo nagte-taping po tayo every day. Hindi ako nakakapag-work out.

“Siyempre hindi rin puwedeng kumain ng marami sa set kasi may inaalagaan kang katawan, kailangang ipakita ang abs. Mahirap po, hirap na hirap na ako pero lahat naman yun, tinitiis ko,” pagtatapat ng binata.

Maraming nagsabi na kahawig daw ng leading lady niya sa serye na si Meg Imperial ang ex-girlfriend niyang si Danita Paner. Kaya ang tanong desirable din ba si Meg para sa kanya?

“More on personality po kasi para sa akin ang desirable, very desirable si Meg, virginal sexy, malaking factor ‘yung innocence niya,” pagtatapat ng binata.

At tungkol sa love scenes ni JC kay Meg, pati na rin kay Ellen Adarna, “We have a lot of sensual scenes. Hindi siya seksing-seksi tulad ng napapanood ninyo sa movie. Pero maraming makikitang passionate love scenes.”

Hindi pa raw nakukunan ang love scene nina JC at Meg pero nakunan na silang naka-underwear pareho. Challenging din daw ‘yung love scene nila ni Ellen dahil sa kotse kinunan nang paupo.

“Masaya ako sa ginawa namin kasi todo ‘yung ginawa namin, wala siyang (Ellen) tanong-tanong walang dalawang isip, take one lang,” papuri ng aktor sa sexy actress.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Samantala, kilalang palaban sa sexy scenes si Ellen at nabalahura ba si JC? “Hindi naman ako binalahura, pero naibigay niya ‘yung hinihingi ng direktor, very happy ako kay Ellen kasi nagawa niya ‘yung eksena, hindi kami nahirapan,” say ni JC.

Mapapanood ang Moon of Desiresa Marso 31, Lunes kasama sina  Precious Lara Quigaman, Carmi Martin, Perla Bautista, Beauty Gonzales, Dawn Jimenez, at Franco Daza mula sa direksyon nina FM Reyes at Raymund Ocampo.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending