Kaye Abad walang swerte sa dyowang singer: Try ko naman ng mga drummer! | Bandera

Kaye Abad walang swerte sa dyowang singer: Try ko naman ng mga drummer!

Julie Bonifacio - March 18, 2014 - 03:00 AM


Kita rin sa finale presscon ng Annaliza ang saya sa set ng buong cast ng drama series. Mismong sina Andrea Brillantes ang nagbuking kay Kaye Abad na crush nito si Enrique Gil.

While ‘yung staff naman ng serye na nakatabi namin sa upuan, sinabi na ang co-star din niya sa show na si Carlo Aquino ang talagang crush ni Kaye ngayon.

Nag-trigger ang tuksuhan ng crush when we asked Kaye kung tatanggap ba ulit siya ng mother role sa susunod na project niya sa ABS-CBN. “Oo naman po. Bakit naman po hindi? Ah,

Tabing-Ilog pa lang nanay na ako, e. Ha-hahaha! So, wala naman pong masama sa pagiging nanay. May edad na rin naman ako. Hindi naman na ako teen. Pero kung bibigyan ako ng ano, kami ni Nash Aguas, bakit hindi?”

Posible raw na ma-in-love siya sa mas bata sa kanya pero depende pa rin kung gaano kabata, “Kung crush ko si Nash? Wala lang, kasi ano, hot ngayon si Nash Aguas, ‘di ba? Sige na nga, Enrigue Gil,” natatawang pag-amin ni Kaye.

Bakit si Enrique, follow-up namin kay Kaye? “Sino naman pong hindi magkaka-crush kay Enrique, ‘di ba?” E, si Carlo rin daw crush niya? “Saan galing ‘yun,” nabiglang sabi ni Kaye.

Mabilis namang tumanggi ang aktres at sinabing magkaibigan lang sila ni Carlo. “Saka may girlfriend si Carlo. Hinahangaan ko si Carlo bilang aktor, bilang tao,” pa-safe niyang sagot.

Pero madiing ipinahayag ni Kaye na hindi si Carlo ang dahilan ng break-up nila ng ex-boyfriend niya na si Guji Lorenzana. “Ah, opo, totoo na break na kami, mga after three years.

Nagsimula kasi nu’ng ano, hindi ganoon talaga, e. Merong nagwo-work at meron talagang hindi nagwo-work. So, ‘yun na lang po.” “Wala po talaga akong boyfriend ngayon.

At hindi ko pa rin nararamdaman na mag-setlle down,” sabi ni Kaye. Tila walang swerte si Kaye sa mga singer na boyfriend. “Oo nga, pero dalawang lang ‘yung singer. Iba naman. Try ko naman ng drummer. Ha-hahaha!”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending