5 todas sa suwagan ng 2 bus | Bandera

5 todas sa suwagan ng 2 bus

- February 17, 2014 - 01:57 PM


NAGA CITY—Lima ang nasawi at 46 ang nasugatan sa banggaan ng dalawang pampasaherong bus sa Maharlika Highway sa Brgy. Mambulo Nuevo, Libmanan, Camarines Sur, kahapon ng madaling araw, ayon sa pulisya.

Patay ang mga driver ng nagbanggaan Antonina Lines at Elavil Bus, isang konduktor at dalawang pasahero sa insidente, na naganap alas 12:20 ng umaga, ayon kay PO2 Emy Rose Organis ng Libmanan Municipal Police sa panayam sa telepono.

Kinilala ang mga nasawi na sina Christopher Prisulgo, driver ng Antonina Lines at residente ng Brgy. Matabac, Tabaco City, Albay; Orlando Olit, 43, konduktor ng Elavil Bus at residente ng Capalonga, Camarines Norte; Elmer Bon, driver ng Elavil Bus  at residente ngMercedes, Camarines Norte; pasahero ng Antonina Lines na si Marvin Ablay, 25, ng Bagong Silang, Caloocan City.

Hindi pa nakikilala ang isa pang pasahero ng nasabing bus. Ayon kay Organis, dinala ang mga nasugatan, mga pasahero mula sa dalawang bus, sa Bicol Medical Center at Mother Seton Hospital sa Naga City upang magamot.

Ang bayan ng Libmanan ay 39 kilometro mula sa Naga City. Ilan sa mga nasugatan ay nasa kritikal na kondisyon, ani Organis. Ayon sa inisyal na imbestigasyon, nawalan ng kontrol ang driver ng Antonina Lines na patungong Maynila sa hindi pa malamang dahilan kaya ito nag-swerve at sumalpok sa Elavil Bus sa kabilang lane na patungo naman ng Naga City.

“The stretch of road where the accident happened is an accident prone area,” aniya. Inilagak muna sa isang punerarya sa Libmanan ang labi ng limang nasawi.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending