Demonyong BF (2) | Bandera

Demonyong BF (2)

Joseph Greenfield |January 31,2014
facebook
share this

Demonyong BF (2)

Joseph Greenfield - January 31, 2014 - 03:47 AM

Sulat mula kay  Tess ng Barangay
Lilingayon, Valencia City
Problema:
1.      Nabuntis ako ng aking boyfriend.  Malaki ang problema ko dahil hindi pala niya ako pakakasalan.  Ang akala ko ay pakakasalan niya ako.  Nang mabuntis na ako, inamin niya na may asawa siya at may pamilyang binubuhay.  Ngayon ko lang nalaman na demonyo pala ang boyfriend ko dahil ang gusto niya ay ipalaglag ko ang bata.  Nanindigan ako at hindi ako pumayag sa gusto niya.
2.    Ang sabi ng boyfriend ko ay uuwi muna siya sa kanyang probinsiya at kakausapin niya ang kanyang asawa.  Ang sabi ng sinungaling na boyfriend ko ay hihiwalayan na raw niya ang kanyang asawa para kami na ang magsama.  Gagawin kaya niya ito?  Paano kung hindi na siya bumalik?
Umaasa,
Tess ng Barangay Lilingayon, Valencia City
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Cancer (Illustration 2.) ang nagsasabing hindi ka na babalikan ng boyfriend mong may asawa na sa sandaling siya ay umuwi sa kanilang probinsiya lalo na kung siya ay isinilang sa zodiac sign na Leo o kaya’y Aquarius. Dahil ang lalaking makakatuluyan mo at makakasama habang buhay ay isang Scorpio. Ibig sabihin, kung Scorpio ang boyfriend mo ay walang duda na siya na nga ang makakasama mo habambuhay kahit sabihin pang may asawa at pamilya na siya.
Numerology:
Ang birth date mo ay weak number. Ibig sabihin, ikaw ay nagtataglay din ng weak personality at dahil mahina ang iyong pagkatao, lagi kang lolokohin at iisahan ng mga lalaki. Matatapos ang mga panlolokong ito ng mga kalalakihan kung ikaw ay makakatagpo ng panibagong boyfriend na may birth date na 2, 11, 20 I kaya’y 29. Ang nasabing mga lalaki ang ka-compatible mo na makakasama mo habang buhay.
Huling payo at paalala:
Tess, ayon sa iyong kapalaran, hindi mo makakatuluyan ang kasalukuyan mong boyfriend na may asawa na. Ganoon paman ang pinagbubuntis mong baby sa ngayon ang magdadala sa iyo sa panibagong pag-asawa at masuwerteng pamumuhay. Sa sandaling naisilang mo na siya, mas maraming suwerte at magandang kapalaran ang kusang mangyayari, kabilang na rito ang pagdating ng ikalawang lalaking binata na nagtataglay ng initial na J.A. Ang nasabing lalaki na may zodiac sign na Scorpio ang siya na ngang makakasama mo sa pagbuo ng isang maligaya at pang habang buhay ng pamilya na nakatakdang mangyari at matupad sa susunod na taong 2015.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending