
IPINATAWAG ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang production team ng ABS-CBN primetime series na “Sigabo” bilang bahagi ng kanilang “Responsableng Paggabay” initiatives.
Ito ay matapos makatanggap ang ahensya ng mga reklamo kaugnay sa umano’y sobranf ipinapakitang karahasan sa naturang serye.
Sa opisyal na pahayag na inilabas ng MTRCB nitong Martes, July 7, inihayag nila ang pagkakaroon ng compliance seminar para sa mga producer at representative ng programa.
Nais nila ang pagkakaroon ng dayalogo upang ilatag o ipaliwanag ang mga pamantsyan para sa age-appropriate content habang kinikilala rin ang kahalagahan ng artistic creativity at responsableng pagkukuwento.
Baka Bet Mo: MTRCB proud ibinida ang Responsableng Panonood campaign sa Singapore
“The Board’s goal is to support the television industry in the development of engaging, socially relevant, and world-class programs while being mindful of their impact on viewers, especially children,” saad ni MTRCB Chairperson Lala Sotto.
Samantala, positibo naman ang pagtanggap ng ng CCM Film Productions, ang producer ng “Sigabo” sa initiative ng ahensya.
Nagpasalamat rin ito sa ibinigay na pagkakataon para mas maunawaan ang mga pamantayan at nangako sa mas responsableng paggawa ng content na napapanood sa telebisyon.
Samantala, iginiit naman ng MTRCB ang patuloy niyong pagbibigay ng mandato sa responsible regulation ng media sa pamamagitan ng paggabay at pakikipagtulungan sa mga content creators upang maprotektahan ang kapakanan ng mga manonood.
Hindi naman malinaw kung may ipinataw na parusa laban sa “Sigabo”.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
