Celtics nasilat ng Magic | Bandera

Celtics nasilat ng Magic

Melvin Sarangay - , January 21, 2014 - 03:00 AM


ORLANDO, Florida — Nagtala si Arron Afflalo ng 20 puntos at 13 rebounds habang si Tobias Harris ay nagdagdag ng 18 puntos para sa Orlando Magic na pinutol ang season-high 10-game losing streak matapos masilat ang Boston Celtics, 93-91, sa kanilang NBA game kahapon.

Matapos ang ilang tablang iskor sa ikaapat na yugto, nagbuslo si Harris ng dalawang free throws may 10.1 segundo ang nalalabi sa laban para ibigay sa Orlando ang pagwawagi.

Ang panalo ay pumutol din sa 10-game regular-season losing streak ng Magic kontra Celtics. Si Glen Davis ay nag-ambag ng 17 puntos habang si Jameer Nelson ay may 16 puntos para sa Orlando.

Natalo naman ang Boston ng siyam na sunod na laro sa road at ika-11 sa 12 laro sa kabuuan. Si Jeff Green ang nanguna para sa Celtics sa ginawang 22 puntos habang sina Avery Bradley at Kris Humphries ay nagdagdag ng tig-18 puntos.

Si Rajon Rondo ay mayroon namang anim na puntos at apat na assists sa ikalawang laro niya matapos magbalik buhat sa ACL injury.

Suns 117, Nuggets 103
Sa Phoenix, umiskor si Channing Frye ng season-high 30 puntos bago tuluyang maupo sa huling 9½ minuto ng laro at panoorin ang Phoenix Suns na tambakan ang Denver Nuggets.

( Photo credit to INS )

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending