Sa taon ng kabayo: Malalaking kalamidad! | Bandera

Sa taon ng kabayo: Malalaking kalamidad!

Joseph Greenfield - January 07, 2014 - 08:21 PM

Una sa serye

AYON sa Chinese Astrology, ang Taon 2014 ay paghaharian ng Animal Sign na Kabayo, taglay ang elementong apoy at kahoy.
Apoy ang fixed element ng Kabayo habang ang wood o kahoy ang elementong iiral sa taon.

Ang pagsasama ng elementong apoy at kahoy sa animal sign na Kabayo ay nagbabadya ng malaking kalamindad at delubyo sa mauunlad at pangunahing siyudad sa buong mundo, at maging sa buong Pilipinas.

Bukod sa delubyong dulot ng elementong apoy at kahoy, ayon Kabalistic of Secret Knowledge ang 2014 ay may katumbas na numerong 7 (20+14=34/ 3+4=7) na kumakatawan sa elementong  tubig.

Ang numerong ito ay nagbabadya ng malawakang pagbaha at pagputok ng mga pangunahing dam hindi lamang sa ating bansa kundi maging sa buong mundo.

Sa makatuwid, pagkawasak ng mga ari-arian at pagkitil ng napakaraming buhay sa pamamagitan ng tubig na ibinabadya ng numerong 7 ay muling iiral sa buong kapuluan at maging sa iba pang bansa, hindi lamang sa silangang panig ng mundo, kundi sa Europa at iba pang panig ng globo – mas malalaki at mas mapanganib na pagbaha at lindol ang magaganap.

Biglang lulubog ang mga dating kapuluang hindi naaabot ng tubig, habang panibagong mga pulo at isla ang lilitaw sa gitna ng dagat.

Mamamangha ang mga pangkaraniwang mamamayan sa nakagugulat na pagbabago ng anyong lupa sa istraktura ng mundo.
Alalahin din ding bilis ang isa sa mga pangunahing katangian ng Kabayo, kaya mabibilis na sakuna at di inaasahang delubyo at mga kagila-gilalas na pangyayari ang magaganap.

Kung kaya’t sa taon ito, kahit nasaang lugar ka man, ang lahat ay binababalaan na laging mag-ingat at magdasal.

Itutuloy

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending