Joey de Leon tinira-tira sa Twitter, tinawag na gurang, loser at plastik
Batikos ang inabot ni Joey de Leon when he posted a message patungkol sa pagkakaroon ng iba’t ibang kanta for Yolanda victims.
“Just asking: Akala ko ba nagkakaisa Pilipino pag may calamity. Bakit may kanya-kanyang Songs for Yolanda victims ang 3 TV Stations? Plastic!” tweet ni Joey.
With that ay puro panlalait ang inabot ng veteran comedian. Talagang nag-react ang netizens violently. “Kayo ang plastic, nang sinabi mo inutil ang mga local reporters, na isama mo na ang mga reporters ng gma at tv5 mo,” me galit na tweet ng isang guy.
“That’s how dumb he is. so what if their songs are different?they’re all for ONE cause – and they’re united in that!” mataray na sabi naman ng isa.
“Hindi measurement ang tv stations sa unity ng mga pinoy,” tweet naman ng isang hindi makatiis na hindi mag-react sa post ni Joey.
“Ewan q b kng bkit andami taong naniniwala s mga cnsbi ng tandang ito…mali n ang ginagawa tama prin s mata ng mga naniniwala s knya. tsk tsk! isip isp din pg my time. gagawa din lng ng ingay e ung pambabatikos pa! pero try nyo xa ang batikusin at sabihin ang katotohanan loser xa.. ewan q lng kung d yan umalma…plastic p s plastic…ayos ikaw joey… matanda kn magbago kn habang madami png naniniwala syo,” pananaray naman ng isa pa.
Para sa amin, tulad ng lahat sa atin, it’s his right to say whatever he wants for as long as na mapapanindigan niya ‘yun. And we believe kayang tayuan ni Joey ang mga pinagsasasabi niya.
( Photo credit to Google )
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.