Dagdag oras sa biyahe ng LRT 1 sa gabi simula bukas

MAS matagal na ang biyahe ng LRT 1 sa gabi simula bukas, Marso 26.
Inanunsiyo ng Light Rail Transit Authority (LRTA) na ang huling biyahe mula sa Dr. A. Santos Avenue sa Parañaque City ay 10:30 ng gabi, samantalang 10:45 ng gabi naman ang alis ng huling tren sa Fernando Poe Jr. Station sa Quezon City.
Ang unang biyahe naman mula sa Parañaque City Station ay 4:30 ng madaling araw ng Lunes hanggang Biyernes at 5 ng madaling araw tuwing Sabado at Linggo.
Ang LRT 1 ay may 25 istasyon at bumibiyahe ng 26 kilometro.
Una nang nagdagdag ng oras ng kanilang biyahe ang MRT 3 simula noong nakaraang Lunes matapos manawagan si Transportation Sec. Vince Dizon sa pamunuan na palawigin ang kanilang “operating hours” para sa kanilang mga pasahero.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.