LRT 1 at 2 walang biyahe mula sa Huwebes Santo hanggang Linggo ng Pagkabuhay | Bandera

LRT 1 at 2 walang biyahe mula sa Huwebes Santo hanggang Linggo ng Pagkabuhay

Leifbilly Begas - March 19, 2018 - 04:30 PM

 

LRT

Walang biyahe ang mga tren ng Light Rail Transit Lines 1 at 2 mula Huwebes Santo (Marso 29) hanggang sa Linggo ng Pagkabuhay (Abril 1).
Sa ipinalabas na advisory ng LRT 1, ang mga araw na walang biyahe ay gagamitin ng pamunuan upang kumpunihin ang mga tren at sistema nito.
Magbabalak ang serbisyo ng LRT 1 sa Abril 2 mula alas-4:30 ng umaga.
Ang LRT 1 ay bumibiyahe mula Roosevelt sa Quezon City hanggang sa Taft Ave., sa Pasay.
Mahigit sa 25 ang tren ng LRT na bumibiyahe. Mayroon din itong mga skip train o mga tren na hindi hihinto sa lahat ng istasyon.
Ang LRT 2 ay bumibiyahe mula sa Santolan sa Pasig City hanggang sa Recto sa Maynila mula 5 ng umaga hanggang 10:30 ng gabi.
Sa mga nabanggit na araw ay wala ring biyahe ang mga tren ng Metro Rail Transit 3 na bumibiyahe mula North Ave., sa Quezon City hanggang sa Taft Avenue station sa Pasay.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending