Hamon ni Ogie sa pambubugbog kay Jellie Aw: Harapin mo 'to Jam

Hamon ni Ogie sa pambubugbog kay Jellie Aw: Harapin mo ‘to Jam Ignacio

Ervin Santiago - February 12, 2025 - 02:50 PM

Hamon ni Ogie sa pambubugbog kay Jellie Aw: Harapin mo 'to Jam Ignacio

Jam Ignacio at Jellie Aw

Trigger Warning: Violence

HINAMON ng content creator at host na si Ogie Diaz ang ex-boyfriend ni Karla Estrada na si Jam Ignacio na harapin ang ginawang pambubugbog umano kay Jellie Aw.

Ni-repost ni Mama Ogs ang Facebook status ng kapatid ni Jellie na si Jo Aw sa sarili niyang FB page kalakip ang pagkagulat sa matinding sinapit ng vlogger at DJ.

Makikita sa post ni Jo Aw ang sugatan at duguang mukha ng kanyang sister matapos umanong saktan ng kanyang fiancé na si Jam.

Nakasaad sa caption ni Jo Aw, “BIGLA NA LANG PINAG SASAPAK, BINUGBOG HABANG PAUWI ATE KO, WALANG KALABAN LABAN SA LOOB NG NAKALOCK NA SASAKYAN.

Baka Bet Mo: Ogie Diaz binoldyak si Jimmy Bondoc: Naresibuhan, paano yan ngayon?

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

“Una sa lahat kung ano man ginawa ng ate ko wala kang ni anong karapatan dampian ng kamay yung ate ko. ang kapal naman ng mukha mo “JAM IGNACIO”

“Ni hindi makahingi ng tulong ate ko dahil kunuha mo yung cellphone, Buti na lang hindi nabasa yung RFID sa toll at nakasigaw yung ate ko pag baba ng bintana at nakahingi ng tulong sa TELLER sa toll gate, ngayon tinakbuhan mo yung mga pulis!

“Wala kang awa!! Demonyo!

“Update po kay ate magpapamedical na kami ngayon !nd magrereport na sa pulis!” ang buong pahayag ng sister ni Jellie.

Mababasa naman sa caption ng repost ni Mama Ogie, “Grabe! Buti na lang, nawalan ng laman ang RFID, kaya nakahingi ng tulong si Ate sa toll gate teller.

“Ayoko namang mag-judge, pero Jam Ignacio, harapin mo ito.

“O, doon sa mga women’s rights advocates nating mga tumatakbo diyan, baka pwede n’yong matulungan si ate. Eto na ang right timing na hinihintay n’yo,” aniya pa.

Bukod dito, nagbahagi rin mismo ni Jellie sa kanyang Facebook account ng kanyang mga litrato kung saan makikita rin ang bugbog-sarado niyang face.

Ang caption ni Jellie sa kanyang FB page, “HAPPY VALENTINES? taena mo Jam Ignacio mapapatay mo ko wala akong ginawang masama para ganituhin moko. Halos mamatay ako sa ginawa mo! papakulong kita!”

Narito naman ang ilang reaksyon ng netizens sa comments section ng article ng BANDERA sa Facebook hinggil sa naturang balita.

“To the girl reading this, You deserved to be cared for, loved and treated as a queen.”

“Juzko yung tawa siguro ngayon ni Karla hanggang Luneta.”

“Kaso yan pasok yan sa Republic Act 9262 known as Anti- Violence against women and their children act of 2004 file complaint para makulong.”

“Mabilis kasi ang karma!!!! Tawa tawa pa sila dhil sa ka name ni Karla na naglilinis ng kuko nia…Tpos A few hours later  abugbog. Karma.”

“Matapus ng bugbugan at dimandahan at pahiyaan sa publiko mag kaayus din at mag babalikan hayss sakit na yan ng karamihan mga Pinoy.”

“AY GANUN? AWANG AWA PA NAMAN AKO SA’YO. PERO NUNG NABASA KO YUNG MGA COMMENTS ABOUT SA PANLALAIT NIYO KAY MOMSHIE KARLA, ‘SASABIHIN KO BA NA DESERVE MO YAN?’ HAHA!”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Anong klasi ung mga ganyang lalaki dapat nyan di mg asawa kawawa ung girls na makakasama nyan kung bubug bugin lng nya.”

Habang sinusulat namin ang balitang ito ay wala pang pahayag si Jam Ignacio hinggil sa isyung ito. Bukas ang BANDERA sa magiging paliwanag ng binata.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending