Star Magic Kids enjoy sa Buffalo Kids; Liza may bagong pasabog

Star Magic Kids super enjoy sa Buffalo Kids; Liza Diño may bagong pasabog

Reggee Bonoan - February 10, 2025 - 03:41 PM

Star Magic Kids super enjoy sa Buffalo Kids; Liza Diño may bagong pasabog

Sylvia Sanchez, Star Magic Kids, Liza Dino at Ice Seguerra

BIHIRA kaming manood ng animated film dahil kadalasan ay inaantok kami at sa pagkakatanda namin ikaapat itong “Buffalo Kids” sa nagustuhan namin bukod sa “Finding Nemo”, “Wall-E” at “Coco.”

Nagkaroon ng advance screening ang pelikulang “Buffalo Kids” sa Gateway Cinema 12 nitong Linggo sa pangunguna ni Nathan Studios producer Sylvia Sanchez kasama ang kanyang pamilya.

Inimbitahan din ni Sylvia ang Star Magic Kids na talagang super enjoy sa pinanood nila dahil nagkukuwentuhan pa habang palabas ng sinehan.

Ito ang unang animated film na napanood namin na may special child kaya tagos sa puso ang kuwento. It is based on a real sibling bond between co-director Pedro Solis Garcia’s daughter Alejandra and his son Nicolas.

Baka Bet Mo: Bianca Gonzalez magagamit ang pagiging nanay bilang host ng The Voice Kids: ‘This is the perfect time for me to join the show’

Mula sa direksyon ni Gabo Galdochi at mula sa produksyon ni Pedro Solis, ang “Buffalo Kids” ay isang heartwarming journey of friendship and family at pinukaw nito ang mga puso ng mga manonood sa buong mundo. Tampok sa Buffalo Kids sina Alisha Weir, Conor MacNeill, Gemma Arterton, Sean Bean, at Stephen Graham.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Nathan Studios Inc. (@nathan.studios)


Handog ng Nathan Studios ang kapana-panabik at heartwarming na paglalakbay ng pagkakaibigan at pamilya muli nanamang gumawa ng kasaysayan ang Nathan Studios bilang pina-unang Filipino family-owned production company na nagdala ng isang animated feature sa mga sinehan ng Pilipinas at mapapanood na ito sa Miyerkoles, Pebrero 12.

Kilala ang Nathan Studios sa pagsuporta sa mga top-tier films mula sa iba’t ibang genres  mapa-aksyon, komedya, drama, at marami pang iba sasabak naman ang studio sa mundo ng animasyon sa “Buffalo Kids.”

Aligned ito sa misyon ng studio sa paggawa ng creative risks at sa pag-explore ng mga bagong posibilidad sa cinema, lalo na ngayon at layunin nito sa pagpapalabas ng mga high-quality, family-friendly films at sumikat ito matapos itong ipalabas sa Annecy International Animation Film Festival nuong June 2024 at mabilis itong naging paborito sa Europe at Asia.

* * *

Lubos na ipinagmamalaki ng Fire and Ice Entertainment dahil ang CEO nilang si Liza Diño, ay napili bilang National Coordinator for Asia sa prestihiyosong EAVE (European Audiovisual Entrepreneurs) network.

Ang kahanga-hangang tagumpay na ito ay nagmamarka ng isang makabuluhang milestone dahil si Liza ang nag-iisang producer sa Southeast Asia na napili para sa EAVE Producers Workshop 2024.

Ipinagdiriwang ng pagkilalang ito ang kanyang walang patid na dedikasyon sa sinehan sa Pilipinas, na nagdadala ng mga nakakahimok na kwentong Filipino sa mga manonood sa buong mundo.

Sa kanyang panunungkulan bilang Chairperson ng Film Development Council of the Philippines (FDCP), ang kanyang visionary leadership ay humantong sa paglikha ng groundbreaking Film Philippines Incentives.

Ang mahalagang programang ito ay hindi lamang naglagay sa Pilipinas bilang pangunahing destinasyon ng paggawa ng pelikula para sa mga internasyonal na produksyon ngunit nagpasigla din sa paglago at pagkilala sa ating lokal na industriya ng pelikula.

Sa kanyang appointment, sinabi ni Diño na “ang papel na ito ay isang kapana-panabik na pagkakataon upang palakasin ang mga boses ng Asyano, pagyamanin ang makabuluhang global na pakikipagtulungan, at tulay ang mga pagkakataon sa pagitan ng Asya at ng internasyonal na komunidad ng pelikula.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ang kanyang pangako sa pagbibigay kapangyarihan sa mga gumagawa ng pelikula at pag-aalaga ng cross-cultural exchange ay lubos na sumasalamin sa aming misyon sa #FireAndIceMEDIA.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending