Arjo, Julia, Sid, Enchong may kanya-kanyang topak sa buhay

Arjo, Julia, Sid, Enchong may kanya-kanyang topak sa buhay

Ervin Santiago - December 10, 2024 - 06:10 AM

Arjo, Julia, Sid, Enchong may kanya-kanyang topak sa buhay

Arjo Atayde, Enchong Dee, Sid Lucero, Julia Montes at Sylvia Sanchez

ISA-ISANG sinagot ng cast members ng Metro Manila Film Festival 2024 entry na “Topakk” kung kailan sila huling inatake ng kanilang topak at paano nila ito hina-handle.

Sa astig na grand mediacon ng pelikula, game na game na ibinahagi nina Arjo Atayde, Julia Montes, Enchong Dee at Sid Lucero.

Sey ni Enchong na natigilan sandali bago sagutin ang question, “Iniisip ko kung kailan talaga ako tinopak kasi as much as possible, kinokontrol ko talaga yung sarili ko.

“Pero seryoso, as much as possible, kinokontrol ko ang sarili ko kapag may mga saltik na ganu’n.

“Kasi, di ba, mahirap din na hindi natin… minsan hindi mo rin alam na yung kausap mo pala, e, may sarili ring topak na pinagdaraanan.

Baka Bet Mo: Cast ng MMFF 2024 entry na ‘Topakk’ yakapan, iyakan sa watch party

“So, hindi puwedeng sarili ko lang ang iniisip ko pagdating sa topak ko. Pero may mga pagkakataon na lumalabas, pero hindi naman yung to the point na kailangan mong mag-standing ovation, or mag-granstanding for that matter,” esplika pa ng aktor.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Tumatawa namang chika ni Sid, “Me… siguro ang buhay ko ay isang malaking katopakan. So I’m proud to say that I’m working on that.

“And matagal na akong hindi tinotopak. Ha-hahaha! If ever, sa taping recently, kasi hindi namin magawa nang maayos ang eksena.

“Pero minor lang iyon kung ikukumpara du’n sa buong buhay ko na katopakan! So, in other words, yeah, I’m proud, I haven’t flipped off. Yeah, I’m getting older, nagma-mature na po,” sabi pa ni Sid.

Sey ni Julia, “Yung totoo po? Kanina lang, mababaw ang ano ko kapag sa gutom. Plus ma-harsh ako sa sarili ko po, e.

“So kanina, papunta dito, siyempre naka-mindset ako, kailangan kong mag-ayos. Yung susi, ang tangi kong dala sa araw na yun, e, dapat yung susi ng unit.

“Yun pa yung pinakanaiwan ko. So, paano kami magsisimulang mag-ayusan kung wala kaming susi ng unit? So, medyo brutal ako sa sarili ko kapag ganu’n. Mas tinotopakk ako palagi sa sarili ko more than sa ibang tao.

“Kasi nga, mabilis akong ma-affect. Sensitive akong tao. So yun, ang topak ko lang, sisimangot ako. Minsan naiiyak pa ako sa sobrang frustration.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“Pero ganu’n lang naman. At kapag kumain na ako ng masarap na pagkain, automatic, nakangiti na ako. Ganu’n lang kababaw,” sabi pa ng aktres.

Sagot naman ni Arjo, “Ako, hindi ko maalala kung kailan but definitely, alam ko, nagkatopak at meron tayo lahat topak.

“So definitely I’ll just add on to Enchong’s statement a while ago na, definitely, I think kapag nagkakatopakk ako, I try to breathe in, exhale talaga.

“As in deeply, walk out or walk away, or try to avoid hearing or talking about it, because minsan baka hindi natin alam, may masabi tayo sa tao or dun sa mga tao na may kinalaman du’n sa sitwasyon.

“And hindi na natin mababawi yung sinasabi natin, so instead, you walk away, try to take a deep breathe, always try to be the better person,” lahad pa ng kongresista at premyadong aktor.

Samantala, nagkuwento naman ang direktor ng pelikula na si Richard Somes tungkol sa pagkakabuo ng “Topakk” mula sa Nathan Studios na pag-aari ng pamilya Atayde, Fusee at Strawdogs.

“Topakk is born out of pandemic. Noong lahat tayo, contained and all, and we are all bombarded by the news sa TV, pandemic, death, giyera, famine, away ng lahat, doon na-create yun.

“And at the same time, looking back sa script na sinulat ko, I realized na it was my topakk after all. Sarili kong multo ang sinusulat ko, sa lahat ng mga takot. And then, I just realized na kailangan ko itong ilagay sa pelikula,” aniya pa.

Sey pa niya, “Purist ako sa Pinoy action film. Tungkol sa isang tao na inapi, lumaban, at nanalo sa dulo. Iyon lang ang kuwento ko.

“And nu’ng sinulat ko yung script, and then Arjo and Julia came along in the picture, everything is a history. Both of them, naging rebelasyon sa akin. Nagkaroon ng buhay ang mga karakter na sinulat ko.

“Hanggang sa umabot sa punto na naniniwala na ako na hindi na si Julia Montes ang nag-aakting sa harap, at saka hindi na si Arjo ang nag-aakting sa lahat.

“Lahat ho ng artista, na-involve na rin sila, and nabuksan na rin ang pananaw nila, at saka pati yung tanong nila kung ano ang nagti-trigger sa isang tao, bakit nagkakaroon ng topak?

“So it’s a process. Mahabang proseso siya pero maganda dahil napakapersonal ng kuwento and lahat tayo, and lahat ng mga artista ko, I’m sure, may mga kanya-kanyang topakk yan. Depende na lang kung paano ilabas,” lahad pa ng direktor.

Kasama rin sa “Topakk” sina Kokoy de Santos, Levy Ignacio, Bernard Palanca, Paolo Paraiso, Vin Abrenica, Cholo Barretto, Julio de Leon, Ivan Carapiet, Jeffrey Tam, Gerard Acao, Michael Roy, at Maureen Mauricio.

Nasa cast din sina Elora Espano, Claire Ruiz, Anne Feo, Bong Cabrera, Manu Respall, Rosh Barman, Victor Medina, Ivan Rivera, Ian Lee, Nico Dans, Yian Gabriel, Raquel Pareño, Precious Laingo, Kayley Carrigan, at Geli Bulaong.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Dalawang version ng pelikula ang mapapanood sa mga sinehan simula sa December 25 base sa ratings ng MTRCB – isang R-16 (para sa SM cinemas) at R-18.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending