Jose Mari Chan katuwang ang Fil-Chinese chambers sa pagtulong

Jose Mari Chan katuwang ang Fil-Chinese chambers sa pagtulong; MTRCB todo pasasalamat

Regee Bonoan - December 06, 2024 - 01:31 PM

Jose Mari Chan katuwang ang Fil-Chinese chambers sa pagtulong; MTRCB todo pasasalamat

NAKATANGGAP ng pagpupuri ang singer-songwriter at businessman na si Jose Mari Chan mula kay Dr. Cecilio K. Pedro, ang presidente ng Federation of Filipino Chinese Chambers of Commerce and Industry, Inc. (FFCCCII).

Ito ay dahil sa suporta ng legendary singer sa iba’t ibang socio-civic charitable endeavors ng nasabing grupo.

Sa isang pagtitipon ay itinampok ang malawak na network ng federasyon na binubuo ng 170 Filipino-Chinese chambers at magkakaibang organisasyon ng industriya sa buong bansa mula Aparri hanggang Tawi-Tawi.

Ang FFCCCII ay gumaganap ng mahalagang papel sa economic advocacy, calamity relief, free medical mission, suporta sa rural public schools at pati na rin sa pagbibigay ng tulong sa Filipino Chinese volunteer fire brigades na tumutulong sa mga biktima ng sunog at kalamidad anuman ang etniko o sosyo-ekonomiko.

Sa nakaraang mga bagyo na naranasan ng ating bansa, pinangunahan ng FFCCCII ang Filipino sa Tsino Magkaibigan Foundation ang agarang maghatid ng mga pang-emerhensiyang suplay ng tulong sa pagkain sa rehiyon ng Bicol, mga naapektuhan ng baha sa Metro Manila, at iba pang mga lalawigan.

Baka Bet Mo: Janno first time nakatrabaho sina Bing at Manilyn sa isang project: Ito na ang last time siguro

Inulit nina Ginoong Jose Mari Chan at Dr. Cecilio Pedro ang matagal nang pangako ng Filipino-Chinese business community na tulungan ang mga kapwa Pilipinong naapektuhan ng mga sakuna at iangat ang mga mahihirap na komunidad sa buong bansa.

Kasama ng President & Hapee toothpaste founder na si Dr. Cecilio Pedro, sina FFCCCII Public Information Committee Co-Chairman Eduardo Cobankiat, Vice-Chairman Wanzen David at Chairman Wilson Lee Flores sa naganap na media announcement na ginanap sa Oriental Palace Restaurant, QC kamakailan.

Samantala, pinasaya rin ni Dr. Pedro ang entertainment media by giving products mula sa Lamoiyan Corporation tulad ng Hapee Toothpaste at Dazz Dishwashing Paste/Liquid at iba pa.

Malapit ang puso ni Dr. Cecilio Pedro sa entertainment media dahil ang mga dating endorsers ng Hapee Toothpaste ay sina Ruffa Gutierrez, Lea Salonga, Angel Locsin, yumaong Master Showman German Moreno at iba pa.

***

Nagbigay-pugay ang Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) sa iba’t ibang personalidad, grupo, ahensya sa gobyerno, at institusyon sa industriya ng paglikha para sa kanilang kontribusyon sa pelikula at telebisyon sa “Gabi ng Pasasalamat” nitong Disyembre 3, 2024.

Mariing pinasalamatan ni MTRCB Chairperson at CEO Lala Sotto-Antonio ang mga stakeholder sa kanilang mahalagang papel sa paghubog sa industriya ng paglikha at media sa bansa.

Aniya, “Ngayong gabi, ipinagdiriwang natin ang pagtutulungan at ang iisang layunin na pagsilbihan ang pamilyang Pilipino tungo sa isang responsableng panonood.

Baka Bet Mo: Cecilio Asuncion nag-shorts sa Bb. Pilipinas 2022; humanga kay Herlene Budol

“Sa loob ng halos apat na dekada, ang aming tanging layunin ay ang magserbisyo sa pamilyang Pilipino at mga kabataan para mapanatili ang natatanging kulturang Filipino.”

Sinabi ring handa laging harapin ng MTRCB ang hamon ng digitalisasyon sa tulong ng mga stakeholder.

“Hindi tayo hihinto sa pakikipag-ugnayan sa iba’t ibang grupo at institusyon, pampubliko at pribadong sektor, kabilang ang subscription video on-Demand services tulad ng Netflix, Disney Plus, Warner Bros., at social media platforms gaya ng Meta,” sabi ni Chair Lala.

Inanunsyo rin ni Sotto-Antonio ang pagsulong sa pangunahing programa ng MTRCB—ang “Responsableng Panonood” na ang layon nito’y magabayan ang publiko sa paghimay sa mga content ayon sa pamantayan ng ahensiya.

Ilan sa mga kilalang personalidad na dumalo ay sina TV5 President at CEO Guido Zaballero at ang mga kinatawan ng Cinema Exhibitors Association of the Philippines (CEAP) na nagpahayag ng kanilang patuloy na pakikiisa sa mga layunin ng MTRCB.

“Nais naming pasalamatan ang MTRCB sa pakikipagtulungan nito sa TV5 at sa MediaQuest Group, at sa ‘di matatawarang pagsuporta nito sa buong industriya ng telebisyon at pelikula,” sey ni Zaballero.

“Sama-sama nating ipagpatuloy ang pagbibigay ng inspirasyon at pagkakaisa sa pamilyang Pilipino gamit ang madyik ng ating mga palabas.”

“Nais din ng Cinema Exhibitors Association of the Philippines na magpasalamat sa MTRCB, sa pamumuno ni Chairperson Lala Sotto-Antonio, para sa kanyang suporta at pangako na tulungan ang industriya ng sinehan sa Pilipinas,” sabi ni CEAP Board Member at Robinsons Movieworld Operations Director, Bb. Bing Advincula.

Nagpahayag din ng suporta ng pakikiisa sa MTRCB ang batikang Filipino film producer na si Atty. Josabeth “Joji” Alonso, kasama si TV host Amy Austria na tumanggap ng masigabong palakpakan sa kanyang masayang talumpati.

“Kami po, kasama ang mga kaibigan natin sa CEAP ay kaisa ng MTRCB sa kanilang pagsisikap na muling maibalik ang pagtangkilik ng publiko sa pelikulang Pilipino,” sambit ni Alonso sa kanyang talumpati.

“Ngayon ang pinakamainam na panahon para magkaisa ang lahat upang mapabuti pang lalo ang industriya ng pelikula,” aniya pa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pinasalamatan din ni Chairperson Sotto-Antonio ang Senado ng Pilipinas sa pagsuporta nito sa mga iminungkahing amyenda sa 40-taong gulang na Charter ng MTRCB.

“Hindi lamang ito napapanahon kundi kailangan din sa pagtugon sa lumalawak at nagbabagong industriya ng paglikha sa ating bansa,” ani Sotto-Antonio.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending