Cecilio Asuncion nag-shorts sa Bb. Pilipinas 2022; humanga kay Herlene Budol Bandera

Cecilio Asuncion nag-shorts sa Bb. Pilipinas 2022; humanga kay Herlene Budol

Therese Arceo |August 02,2022
share this

Cecilio Asuncion nag-shorts sa Bb. Pilipinas 2022; humanga kay Herlene Budol

Therese Arceo August 02, 2022 - 07:13 PM

Cecilio Asuncion nag-shorts sa Bb. Pilipinas 2022; humanga kay Herlene Budol
AGAW-PANSIN ang isa sa mga hurado sa naganap na Binibining Pilipinas 2022 coronation night na si Cecilio Asuncion matapos itong magsuot ng boxer shorts sa naturang beauty pageant.

Siya ay ang founder at model director ng Slay Mode Management na naka-base sa Los Angeles, California.

Bagamat pormal ang suot nitong pang-itaas na barong ay taliwas naman ito sa suot niyang boxer shorts na checkered blue.

Marami naman sa mga netizens ang napataas ang kilay at napatanong kung ano ang naisip ni Cecilio para magsuot ng shorts sa isa sa mga prestihiyosong beauty pageant ng bansa.

May mga nagsasabi na marahil ay bagong pauso ito o di kaya’y work from home set up ang naging inspirasyon nito sa kanyang kasuotan.

“I have lived in America for 22 years and derecho pa rin ako magtagalog dahil mahal ko ang bansa ko. Sa mga bumabatikos sa pagpili ko ng suot ko, sana magsumikap kayo at balang araw, ma-invite rin kayo mag judge,” saad ni Cecilio.

Dagdag pa nito, “Love you, mean it!”

Samantala, siya rin ang huradong nagtanong kay Binibining Pilipinas 2022 1st Runner Up Herlene Budol sa Q & A portion ng beauty pageant.

“Beauty pageant is a space for transformation. What has been your biggest transformation since you joined and how could this make you deserving of a crown tonight?” saad niya sabay tanong kay Herlene kung nais ba nitomg sagutin ang tanong sa wikang Tagalog.

Malugod naman itong sinagot ng dalaga

“Maraming salamat po. Para sa akin, isang karangalan na nakatungtong dito sa Binibining Pilipinas bilang isang binibini na hindi inaasahan, para sa akin, ang sarap pala mangarap. Walang imposible.

“Isa po [akong] komedyante na laki sa hirap. At ang aking transpormasyon ay magbigay ng inspirasyon. Because I know for myself that I am beautiful, that I am uniquely beautiful with a mission,” sey ni Herlene.

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Herlene Nicole Budol (@herlene_budol)

 

Bagamat hindi nagtagumpay na masungkit ang korona ay marami pa rin ang proud sa dalaga tulad na lang rin ni Cecilio.

“It has been an amazing homecoming after 22 years, thank you to Binibining Pilipinas for having me as a judge! Tama ka Herlene, ang sarap mangarap at walang imposible!” sey niya sa kanyang Facebook post.

Dagdag pa ni Cecilio, “Matuto tayong mahalin ang Tagalog. Parte ito ng kultura natin at dapat hindi ikahiya.

Muli rin nitong nabanggit ang mga bumabatikos sa kanyang kasuotan sa Binibining Pilipinas 2022 coronation night.

“At sa lahat na nagtatanong bakit ako naka shorts, ito ay dahil pinili kong magsuot ng gawa ng pinoy na designer na si Avel Bacudio na mula sa tela na galing sa Mindanao at ang bag ko naman ay gawa ni Zarah Juan. Mabuhay ka, Herlene Hipon Budol at sa lahat ng kasali sa taong ito,” hirit pa ni Cecilio.

Related Chika:
Herlene Budol humakot ng special awards sa Bb. Pilipinas 2022; Gabriel Basiano tinuhog ang Best in Evening Gown at Best in Swimsuit

Herlene Budol nag-Tagalog sa Q&A ng Bb. Pilipinas: Isa po akong komedyanteng laki sa hirap at ang aking transpormasyon ay ang magbigay ng inspirasyon

Herlene Budol pasok sa Top 12 ng Bb. Pilipinas 2022 pageant; makasungkit nga kaya ng titulo at korona?

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending