Kathryn, Alden game na game magtambal sa teleserye, pero...

Kathryn, Alden game na game magtambal sa teleserye, pero…

Ervin Santiago - November 19, 2024 - 06:00 AM

Kathryn, Alden game na game magtambal sa teleserye, pero...

Alden Richards at Kathryn Bernardo

DAHIL sa tagumpay na tinatamasa ngayon ng tambalang Kathryn Bernardo at Alden Richards, maraming nagre-request na bigyan na ng teleserye ang KathDen.

Kung magpapatuloy ang pagtabo sa takilya ng reunion movie nilang “Hello, Love, Again” siguradong mababawi nila ang Box-office King & Queen title mula sa mag-asawang Marian Rivera at Dingdong Dantes para sa “Rewind.”

Milyun-milyon na ang kinikita ngayon ng pelikula nina Alden at Kathryn mula sa Star Cinema, ABS-CBN Studios at GMA Pictures at hindi malayong maabot pa nito ang P1 billion mark sa mga susunod na araw.

Kaya naman ang panawagan ng fans nina Alden at Kath, ito na ang tamang panahon para pagsamahin ang ABS-CBN at GMA 7 ang dalawang superstar ng kanilang henerasyon sa isang bonggang-bonggang teleserye.

Baka Bet Mo: Donny Pangilinan, Belle Mariano sa tagumpay ng tambalang DonBelle: ‘We are just ourselves…we are here as a team’

Kung kering-kering magbayad ng kanilang fans sa sinehan para lang mapanood sila together, siguradong mas all out ang gagawin nilang pagsuporta kapag nagka-project na sila sa TV.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Ayon kina Alden at Kathryn, payag naman sila na muling magsama sa isang acting project pero may mga considerations na sila kapag nangyari ito.

“Once siguro na may magandang story, something new, something different to show the people,” ang pahayag ni Alden sa panayam ng “On Cue”.

Sey naman ni Kathryn, “Basta may magandang materyal, why not?”

Ngunit kung teleserye raw ang kanilang gagawin, it’s a management decision na raw dahil nga magkaiba sila ng network. Pero ngayong wala nang network war, posible na itong mangyari.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Bago naman nila i-pitch ‘yon, maraming discussion ‘yun. So, kapag naka-decide na, both networks, and the ipi-pitch sa amin, we’re just very open naman with it,” pahayag ni Kathryn.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending