Bullet Dumas, Ena Mori, Munimuni, iba pang OPM stars may pa-‘year-end party’
BAGO matapos ang taong 2024, magsasama-sama ang ilang OPM artists para sa isang mini music fest.
Ito ang taunang “Gabi Na Naman Year-End Party” na gaganapin sa 123 Block sa Mandaluyong City sa darating na November 29, mula 5 p.m. onwards.
Ang mangunguna sa performances ay ang bigating musicians na sina Bullet Dumas, Shirebound (dating Shirebound & Busking), pati ang bandang Dicta License.
Makakasama rin diyan ang indie favorites na sina Ena Mori, Munimuni, The Ridleys, at DJ Jiggawho.
Kabilang din sa lineup ang breakthrough newcomers na sina Pinkmen, Ysanyo, (e)motion engine, Amateurish, at ALYSON.
Baka Bet Mo: Munimuni hindi ‘pressured’ sumikat: ‘We just do music kasi mahal namin ito’
Ang show ay parte ng “JDOS Playlist LIVE,” ang music-focused initiative ng Jack Daniel’s Philippines.
Ang tickets para sa show ay mabibili sa website na ito: bit.ly/gnnyep24
Ang presyo para sa early bird tickets ay nasa P600 na may libreng Jack Coke.
Para sa kaalaman ng marami, ang GNN ay nagsimula noong 2015 na ang focus ay makapag-produce ng award-winning shows, activations, events, concerts, at festivals sa iba’t-ibang lugar sa bansa.
Ilan lamang sa biggest acts na kanilang inorganisa ay ang shows ng Ben&Ben, BINI, Ely Buendia, Kyla, Jay-R, Zack Tabudlo, Lola Amour, Ebe Dancel, Kitchie Nadal, Barbie Almalbis, Mayonnaise, Gloc-9, UDD, Dong Abay, Orange & Lemons, Johnoy Danao, Bullet Dumas, Munimuni, Clara Benin, Ena Mori, Sugar Hiccup, at marami pang iba.
Maliban sa Pinoy artists, dinala rin nila sa bansa ang ilang international acts katulad ng Pamungkas and Reality Club ng Indonesia, SCRUBB ng Thailand, Ysa Yaneza and Club Mild mula Singapore, Elephant Gym from Taiwan, at Hitsujibungaku ng Japan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.