Bullet Dumas excited sa music comeback, ‘malupit’ ang preparasyon sa concert
MAGBABALIK music scene ang award-winning artist na si Bullet Dumas!
Bilang comeback, magkakaroon siya ng solo concert na nakatakdang mangyari sa June 8 sa Music Museum sa San Juan City.
Pinamagatan itong “Nananatili” na ibabandera ang kanyang personal reflection pagdating sa kamatayan.
Ang kanyang show ay pinagsama-sama ng mala-elegy, eulogy at funeral drama.
“Ang working concept ko ay last day ng funeral kung saan lumalabas lahat ng kwento ng patay,” sey ng batikang singer.
Baka Bet Mo: Comeback concert ni Anne Curtis sa June, live nang mapapanood
Paliwanag ni Bullet, “Mas nakikilala natin ‘yung patay kahit tingi-tinging kwento mula sa iba’t ibang tao.”
Ito rin ang kauna-unahang pagkakataon na magsisilbi siyang co-producer sa sarili niyang concert kasama ang Gabi Na Naman Productions (GNN).
Noong May 17, nagkaroon ng intimate press conference si Bullet sa The Astbury sa Makati City at isa ang BANDERA sa mga naimbitahan.
Bilang matagal ngang nawala sa concert scene ang singer-actor, siyempre, kinamusta muna siya ng entertainment press.
“Nagpe-prepare [ako] nang malupit para dito sa concert, kasi this is like my first performance in a long while sa music,” sagot niya.
Kwento niya, “So ‘yung Gabi Na Nanaman productions, they told me they want to mount a concert, tapos ako, parang ‘sige, game!’ kasi lately ‘yung mga tao, binibigay na ‘yung tiwala nila [sakin], parang nakaka-inspire din…At ayoko naman na mag-perform lang na basta-basta.”
“If I want to go back, I want new materials and ito na ‘yung biggest chance ko to do it,” ani pa niya.
Nabanggit ni Bullet na matagal na siyang nagsusulat at gumagawa ng mga bagong kanta para dito sa isasagawang show niya.
“So since the beginning of the year, I have been writing, I have also been consulting my old notes, my old recordings at kung ano man ang pwede kong magamit para dito sa show. I have been writing naman since the pandemic,” chika niya.
Nang tanungin naman ng BANDERA kung nasa plano rin niya ang collaborations in the future, bilang gumagawa siya ng new music lately.
Ayon sa singer, open naman siya sa lahat, lalo na kung interesting ang mga proyekto na kanilang gagawin.
“Sino ‘yung gusto kong maka-collaborate? [Siguro] kung sino man ‘yung dumating…Kung may mga dumating na interesting din naman, why not. Pero hindi ako ngayon magho-hold back kung merong magandang opportunity,” sambit niya.
Ang tickets para sa “Nananatili” concert ay mabibili via bit.ly/nananatili na nagkakahalaga simula P1,800 hanggang P4,600.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.