Angela Ken ‘pressured’ sa upcoming musical play

Angela Ken ‘pressured’ sa upcoming play, balak bang iwan ang music career?

Pauline del Rosario - August 12, 2024 - 05:22 PM

Angela Ken ‘pressured’ sa upcoming play, balak bang iwan ang music career?

PHOTO: Instagram/@angelaken

HINDI itinago at diretsahang inamin ng singer-songwriter na si Angela Ken na nape-pressure siya sa upcoming musical play.

Isa kasi siya sa mga bibida sa play na “Once on this Island” kasama ang iba pang lead cast na sina Sam Concepcion, Thea Astley, at Jef Flores.

Kamakailan lang, binisita ng ilang entertainment press ang rehearsal nila sa inaabangang show at naitanong kay Angela kung ano ang pakiramdam niya na ito ang ikalawang pagsabak niya sa entablado.

Kung matatandaan, una siyang tumampok sa comedy musical na “The 25th Annual Putnam County Spelling Bee” na umarangkada nitong Enero lamang.

“Of course, nakaka-pressure po sa totoo lang naman. Pero ayun nga, para sa akin, maganda ‘yung nape-pressure ka kasi grabe ‘yung tiwala ng mga tao na nakapaligid sayo na nasa utak ko palagi na ikalawang musical ko pa lang ito, pero grabe ‘yung tiwala ng 9 Works [Theatrical] sakin,” sagot niya sa nagtanong sa kanya.

Baka Bet Mo: Angela, Sam, Thea, Jef bibida sa musical play na ‘Once on this Island’

Patuloy niya, “And dito ko rin po natutunan na always give your best talaga na isipin mo na ito parati ‘yung first mo, ito palagi ‘yung unang salang mo sa stage.”

Kasunod niyan ay inusisa na siya kung itutuloy na ba niya ang pag-teatro.

“Opo. I’m very, very open to all the opportunities na darating sa buhay ko, lalo na sa theater,” sey ni Angela.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by 9 Works Theatrical (@9workstheatrical)

Nilinaw rin ng singer-songwriter na kahit abala siya sa pagiging theater actress ay ipagpapatuloy pa rin niya ang pagsulat ng kanta.

Sinabi rin niya na malaki ang naging kontribusyon ng teatro sa kanyang karera dahil mas lumalawak pa ang kaalaman niya pagdating sa pagiging malikhain.

“‘Yung pagiging singer-songwriter ko po kasi, of course, ‘yung creative juices ko, ‘yung experiences ko, ‘yung mga nakapaligid sa akin, ‘yun ‘yung dinadala ko doon. Tapos ‘yung sa theater naman, ibang kwento ang dinadala ko sa sarili ko. So for me, nakikita ko ‘yung theater as a part of my career ko talaga na babalik-balikan ko siya,” kwento ni Angela.

Paliwanag pa niya, “Dito ko na-discover sa theater na kung gusto mong ma-improve sa lahat or kung gusto mong makita ‘yung sarili mo na nailathala sa lahat ‘yung katotohanan ng bawat character, sa theater ‘yun.”

“And actually, naa-apply ko rin lahat ng natutunan ko sa theater sa pagsusulat ng kanta, so ngayon sobrang umaapaw ‘yung creative juices din to write songs, to share more stories through music,” aniya pa.

Ang pagbibidahan ni Angela sa “Once on this Island” ay bilang si “Ti Moune,” ang peasant girl mula French Antilles na na-inlove kay “Daniel” sa katauhan ni Sam.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Habang sina Thea at Jef naman ang isa pang pair na magiging kapalitan ng dalawa sa itinakdang schedule ng show.

Ang upcoming musical ay mapapanood tuwing Biyernes hanggang Linggo, simula September 6 hanggang 29 sa RCBC Plaza sa Makati City.

Mabibili ang tickets sa website ng Ticket2Me o sa link na ito: bit.ly/OnceOnThisIslandMNL

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending