Comeback concert ni Anne Curtis sa June, live nang mapapanood
MULING magbabalik sa concert stage ang nag-iisang diyosang si Anne Curtis ngayong June 11 sa Newport Performing Arts Theatre sa Resorts World Manila.
Originally ang “Luv Anne! The Comeback” ay isang online docu-concert na ipapalabas sa KTX sa April 30.
Pero nitong Biyernes, April 8, ay ibinahagi ng TV host-actress sa kanyang Instagram account na in-person na ang kanyang concert.
“It’s official. Luv-ANNE will be going LIVE at the Newport Performing Arts Theatre at Resorts World Manila on June 11, 2022 at 8PM.
“I really took my time to think long and hard about it and I’ve decided to go all out and celebrate to the fullest by finally seeing everyone in person,” pagbabahagi ni Anne.
Aniya, miss na miss na raw niya ang “energy” ng madlang pipol pati na rin ang pagkanta habang nakikitang nakangiti ang kanyang mga fans.
“I miss the energy, the noise, the screams, of course SINGING and just seeing everyone smile.. I’m so excited (and nervous) but let’s go and have a night of fun!!! Hoping yo see all of your lovely faces there sweethearts! x LUVANNE na LUVANNE na to!!!” dagdag pa ni Anne.
Super happy at todo support naman ang mga netizens maging ang family and friends ng aktres.
View this post on Instagram
Comment ni Jasmine Curtis-Smith, kapatid ni Anne, “Lets gooo sestra! So excited!”
“Leeez go!!!!!” saad naman ng kanyang kaibigan at sister-in-law na so Solenn Heussaff.
Hindi naman naging malinaw kung magkakaroon pa rin ito ng live streaming via KTX at VivaMax tulad ng orihinal na plano.
Matatandaang unang inanunsyo ni Anne ang kanyang pagbabalik showbiz sa pamamagitan ng concert documentary noong February.
“A very special docu-concert for everyone I LUV! Join me as I share bits and pieces of my life in the past two years. Plus! I just might have some surprise fierce, fun and fab performances!” pagbabahagi niya sa kanyang Instagram.
Ang naturang concert ay ang magsisilbing comeback ng TV host-actress sa showbiz matapos ang dalawang taon niyang pagpapahinga sa showbiz.
Taong 2019 nang pansamantalang namaalam si Anne sa limelight, ilang buwan bago niya isilang ang kanilang panganay na anak ni Erwan Heussaff na si Dahlia Amelie.
February 2021 naman ng bumalik ang aktres kasama ang asawa’t anak sa Pilipinas mula sa Australia kung saan siya nanganak at nanatili noong kasagsagan ng COVID-19 pandemic.
Related Chika:
Anne Curtis magbabalik telebisyon na nga ba?
Anne Curtis muling nakipagkulitan sa ‘It’s Showtime’ family, balik noontime show na kaya?
Anne Curtis, Erwan Heussaff isinabay na ang binyag ni Dahlia sa kanyang 2nd birthday
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.